pilipinas-rocks-175 milyon naipalabas ng abscbn2

Php175M worth of political ads naipalabas ng ABS-CBN para kay PDuterte, 7M lang ang hindi dahil napuno na ang slots

674 Shares

Ang hindi naipalabas sa ere ng isang political ad ni Pangulong Duterte noong 2016 election ang siyang ikinasasama raw ng loob ng Pangulo sa ABS-CBN ayon kay Senator Bong Go.

Ngunit malinaw mula sa hearing ng Senate noong Lunes, February 24 patungkol sa napipintong pagpapasara sa ABS-CBN na walang intentional na planong i-single-out at hindi ipalabas sa ere ang isang political ad ng noo’y presidentiable candidate at ngayon ay pangulo na ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte.

Php 65 milyong halaga ng political ads ang naipalabas ng ABS-CBN para kay Pangulong Duterte para sa hanay ng local ads. Php 7 milyon lamang ang hindi naipalabas dahil napuno na ang slots para dito. Mayroon lamang kasing 2 minutes per hour ang allocation para sa mga local ads na kung saan napabilang ang ad na inirereklamo ng kampo ni Pangulong Duterte.

Ganunpaman, nagbigay ng apology sa Pangulo si Carlo Katigbak, ang CEO ng ABS-CBN, kaugnay dito.

“We’re sorry if we offended the President, that is not the intention of the network. We felt that we were just abiding by the law and regulations surrounding the airing of political ads,” ayon kay Katigbak.

Php 182 milyong halaga ng ads naipalabas

Ayon rin sa ABS-CBN, lahat ng Php 117 miyong halaga ng national ads ni Pangulong Duterte ay naipalabas ayon sa kasunduan at batas ng election.

Umabot sa Php 175 milyong halaga ng political ads ang naipalabas ng ABS-CBN para sa Pangulo kasama na dito ang national at local ads.

Ibinalik ang Php 7M

Nilinaw rin ng ABS-CBN na hindi nila planong i-swindle ang Pangulo dahil sa Php 7 milyong halaga ng political ads ay naibalik nila ang Php 4 milyon, habang ang Php 2 milyon ay naantala ang pagbibigay.

“We were delayed in refunding the P2.6 million, which Senator Go showed, and that P2.6 million was no longer accepted. We are acknowledging our shortcoming that we failed to release the refund in a timely manner,” pag-amin ni Katigbak ng kanilang kakulangan.

Dahil dito ay naglabas sila ng bagong policy na kapag ang isang bayad na na political ad at hindi naipalabas sa loob ng pitong araw ay dapat maibgay agad ang refund sa kliyente.

Political ad ng opposition hindi rin naipalabas

Matapos ang mahabang opening statement ni Senator Bong Go at sa paglalahad niya ng “sama ng loob” ni Pangulong Duterte sa ABS-CBN ay may ilang senador rin ang nagpayahag ng pagkadismaya sa nasabing media network.

Isa na si opposition Senator Kiko Pangilinan na nagsabing meron ding mga political ads ang Otso-Diretso na hindi naipalabas ng ABS-CBN lalu na sa last ten days bago mag-election. Crucial sa kanila ang nasabing ad at sumama rin loob nila.

Ngunit nilinaw ni Sen. Pangilinan na ang sama ng loob sa ABS-CBN ay hindi sapat at dapat na dahilan upang mawalan ng trabaho ang maraming Pilipino.

Dagdag naman ni Senator Recto na kung may penalty ang ABS-CBN ay dapat itong pagmultahin, ngunit hindi pagpapasara ang solution.

Hindi mababaw na dahilan

Ganunpaman, pinagpilitan ni Senator Bong Go na hindi raw mababaw ang dahilan ng Pangulo para ipasara ang ABS-CBN.

“Hindi mababaw ang rason ng Pangulo sa kanyang grievances against the network. Nasaktan at nababoy ang Presidente,” ayon kay Sen. Go.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...