pilipinas-rocks-land of the covid 19 thairath

Pilipinas bilang “land of the COVID-19” frontpage sa isang Thai media

14 Shares

Isinulat ng isang pahayagan sa Thailand sa kanilang frontpage ang Pilipinas bilang “land of the COVID”, marami ang hindi natuwa dito.

Nitong Sabado, Agosto 8 ay matagumpay na nakabalik sa Thailand ang 165 na mga Filipinong guro mula sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay doon.

Dahil sa mga travel restrictions, maraming mga OFWs na nagbakasyon sa Pilipinas ngunit may trabaho pa sa Thailand ang nangangamba na baka hindi na sila makabalik sa nasabing bansa. Nagbukas na kasi ang mga paaralan doon at marami sa kanila ay hinihintay na ng kani-kanilang mga paaralan. Ang iba ay tuluyan ng inalis sa trabaho.

Ang pagdating ng mga Filipino teachers sa Thailand nitong Sabado ay headline sa Thairat magazine. Ayon sa kanilang caption ay ang Pilipinas ay “land of the COVID”.

Sa punto ng pahayagan at ilang mga mambabasa nito na nakakabahala umano ang pagpasok ng mga banyaga na mula sa mga bansang may mataas pang cases ng COVID-19.

Ang Pilipinas ay nangunguna na ngayon sa Southeast Asia bilang bansa na may maraming cases ng COVID-19, habang ang mga karatig na bansa naman nito tulad ng Thailand ay lampas isang buwan ng walang locally transmitted na COVID-19 case.

Bukod sa 165 na mga Filipinong guro mula sa Pilipinas na dumating noong Sabado, ini-expect rin ng Thailand ang pagdating ng 3,000 pang mga dayuhan mula sa iba’t-ibang bansa sa mga susunod na araw para mapunan ang mga naiwang workforce sa bansa.

Marami sa mga Pinoy na nasa Thailand sa kasalukuyan ang hindi natuwa sa bansag na ito ng pahayagan, racist daw at xenophobic.

Isang foreigner rin sa Thailand na puti na kilala sa pangalan na Richard Barrow ang nakapuna rin ng post ng Thairath patungkol sa Pilipinas. Si Mr. Borrow ay kilala sa Thailand bilang foreigner na nagbibigay ng mahahalagang information sa mga expats patungkol sa nasabing bansa.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...