pilipinas-rocks-pilipinas best sea games organizer

Pilipinas, kinilala bilang Best SEA Games organizer ng international sports award-giving body!

413 Shares

Panalo ang Pilipinas hindi lamang sa major sporting events na ginaganap ngayong 30th SEA Games kundi pati na rin bilang organizer ng nasabing international sporting competition.

Tinanggap ni Philippine Southeast Asia Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman Alan Peter Cayetano ang award mula sa Sports Industry Awards (SPIA) Asia bilang pagkilala sa tagumpay ng Pilipinas sa pag-organize ng SEA Games at pagganap ng opening ceremony nito.

Hinangaan ang Pilipinas ng SPIA dahil sa world-class na presentation ng opening ceremony ng 30th SEA Games noong nakaraang Sabado.

Read: P600K matatanggap ng bawat atletang Pinoy na makakakuha ng gintong medalya sa SEA Games 2019!

Click to grab yours now!

Si SPIA CEO Eric Gottschalk mismo ang nagbigay ng award sa PHISGOC sa nakaraang pagpupulong na ginanap sa Grand Hyatt Hotel. Nagpasalamat naman ang PHISGOC sa pananalita ni Ramon Suzara, ang chief operating officer ng nasabing organisasyon.

Dahil sa pagkilala ng tagumpay na natamo ng Pilipinas ay mas gaganahan pa umano ang PHISGOC na gawin ang kanilang buong makakayanan habang ipinagpapatuloy ang nasabing biennial sporting event.

Ang SPIA Asia Awards ay isang award-giving body na naka-focus sa pag-recognize ng mga achievements sa larangan ng sports sa Asia. Maliban sa pag-recognize ng mga sporting events, kinikilala rin ng awarding body ang Best Sportsman at Best Sportswoman sa Asia.

SHARE this good news if natutuwa ka ba sa balitang ito!