pilipinas-rocks-national id system pilot testing

Pilot testing para sa national ID system inumpisahan na

0 Shares

Noong Agosto 2018 ay nilagdan ni Pangulong Duterte ang batas ng pagkakaroon ng isang identification card (ID) system para sa lahat ng mga Filipinos kasama na rin ang mga dayuhang naninirahan sa bansa.

Layunin ng batas na mapabilis ang mga transactions ng gobyerno lalu na para sa mga mamamayan.

Isang taon matapos ang paglagda sa batas ay inumpisahan na ang pilot testing sa halos 1 milyong Filipino. Sa pilot testing ay malalaman kung ano pang mga adjustments ang dapat na gawin bago ito tuluyang gamitin ng husto para sa buong bansa.

Kukunin sa pilot testing ang personal na information at biometrics kasama na ang eye scans at fingerprints ayon kay Undersecretary ng Information and Communications Eliseo Rio.

President Duterte shows the signed national ID system law. Photo by CNN-PH

Ayon sa panayam ng DZMM radio, bibigyan ng ID Registration Kits ang mga regional offices ng Philippine Statistics Office, ang Civil Registry ng Commission on Elections, at ang Philippine Post upang isagawa ang pilot testing.

“Twenty-five to 30 million [people] iyung next sa timeline… in 5 years ang napag-usapan. Importante na maumpisahan kaagad para ‘yung succeeding timeline, maka-adjust tayo kung may mga problema o mapabilis pa po,”  ayon kay Usec Rio.

Laman ng national ID ang Philippine Identification System number, full name, kasarian, blood type, birthdate, place of birth, marital status, address, at photo ng may hawak ng ID.

Makakatulong nga ba ang national ID system? Ano sa tingin mo?

Photo: Entrepreneur Philippines

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page