Pinay Cinderella, dating labandera at basurera isa na ngayong milyonarya

pilipinas rocks cristel pinay cinderella

Dating labandera at basurera, ngayon ay isa nang donya at milyonarya. Ito ang kwento ng buhay ni Cristel Gardoce Bulabon, 45-taong gulang na taga Antipolo, Rizal.

Tinagurian siyang Pinay Cinderella dahil ang kanyang karanasan ay halos tulad sa sikat na kwento ni Cinderella: labis ang paghihirap noon ngunit dumating ang panahon na naka-ahon rin at ngayon ay sobrang maalwan na ang buhay.

Dati-rati ay halos araw-araw kumakalam ang kanyang sikmura at hindi alam kung saan kukunin ang panggastos sa mga bagay na kailangan sa bujay, ngunit ngayon ay labis na karangyaan ang kanyang tinatamasa.

Kahirapan sa musmos na gulang

Bata pa lamang ay kahirapan na ang bumungad kay Cristel. Iniwan siya at ng kanyang mga kapatid ng kanilang mga magulang. Sa kanyang tiyuhin sila tumira, at doon umpisang maranasan ni Cristel ang hirap ng buhay.

“I was actually six when they [parents] left, tapos naiwan sa akin ‘yong mga kapatid ko. Second to the eldest ako, kaya lang sa aming magkapatid ako ‘yong tumayong eldest dahil medyo weakling ‘yong brother ko” 

Sa murang edad ay si Cristel ang nagsilbing ama ng kanyang mga kapatid. Dahil sa walang sariling matitirhan, kinupkop silang magkakapatid ng kanilang tiyuhin sa Bacolod. Ganunpaman, hindi naging madali ang buhay nila doon. Maraming karanasan si Cristel na nagpatibay ng kanyang loob upang harapin ang kahirapan.

Ayon kay Cristel, bago sila makakain ay kailangang tapusin ang mga gawaing bahay kasama na dito ang pag-iigib upang punuin ang mga drum-drum na ipunan ng tubig.

“Pag-oras na kakain na kami, tutong nalang ang naiiwan samin. Para lumambot yun, nilalagyan namin ng tubig na mainit. Yun ang kinakain namin, asin ang ulam,”

Mga pinasok na pagkakakitaan

Napilitan si Cristel na mamasukan bilang taga-hugas ng plato at tindera ng kanilang kaptbahay dahil sa palagiang nakakaranas sila ng magkakapatid ng pagkakalam ng sikmura. Minsan na rin naabutan ni Cristel ang kanyang dalawang taon na kapatid na nakatali ang leeg gamit ang sintas ng sapatos sa dulo ng mesa dahil humihingi raw ito ng maiinom na gatas.

Dahil sa pinagmamalupitan sila ng kanilang tiyuhin ay nagdesisyon si Cristel na lumipat sa bakanteng kubo ng kanilang kapitbahay, na saksi rin sa pagmaltrato sa kanila ng kanilang tiyuhin.

Tumayo bilang nanay at tatay si Cristel sa dalawa niyang kapatid. Bitbit niya ang mga ito sa tuwing naglalako siya ng kanyang mga panindang kakanin. 

Binalikan sila ng kanyang mga magulang at dinala sila sa Antipolo, ngunit hindi nagtagal ay naulit na muli ang pag-iwan sa kanila ng kanilang mga magulang.

Hindi na bago kay Cristel ang tumayo mag-isa upang mabuhay sila, kaya kahit anong mga pwedeng mapagkakakitaan ay kanyang pinasok kabilang na dito ang pagbabasurera.

“Meron doon dumpsite, doon tinatapon ang mga hindi na nabebenta sa mga grocery stores, mga noodles, mga tunaw na ice cream so doon kami nakaabang,” ayon kay Cristel.

Piso kada kilo ang naiipon nila mula sa pagbabasurera.

Pinagsok nya rin ang paglalabandera. Kinokolekta niya mula sa mga kapitbahay ang mga labahin at dinadala niya ito sa ilog na kilometro ang layo upang doon ay labhan.

“Naglagay pa ako ng paskil sa bahay namin ‘Labada 50 kada Sako’ kami na ang maglalaba sagot ko na rin ang sabon.”

Pag-aasawa ang solution?

Noong umabot na siya sa 18 taong gulang ay inisip ni Cristel na baka ang pag-aasawa ang paraan upang makaahon sila sa hirap. Dahil kung may katuwang ka sa buhay ay maaaring mapabilis ang pag-ahon sa kahirapan.

“To escape from poverty, naisip kung mag-asawa nalang ako. I was 18, nung naisip ko yun pero napunta pa ako sa mas worst, mas naghirap ako, nagkaron ng pisikal na pang-aabuso,”  

Naging bayolente ang kanyang naging asawa. Maging ang kanilang mga anak, at mga kapatid ni Cristel ay sinasaktan rin.

“Sabi ko ito ba talaga ang kapalaran ko, hindi ba talaga ako pinanganak upang magkaron ng asenso sa buhay?”

“Lumabas ako ng bahay namin, hindi ko na alam kung ako paba ‘yon. Wasak ‘yong mukha, may mga peklat ako rito and you can still see the scars. Puro dugo-dugo ako.” 

Umpisa ng pagbabago ng kanyang buhay

Pinasok ni Cristel ang hanapbuhay ng isang GRO sa isang bar. Doon niya nakilala ang isang customer na naging susi upang mabago ang kanyang tadhana.

Hinimok siyang mag-apply bilang isang telephone operator sa isang company. Dahil sa kanyang maayos na perfromance sa trabaho ay na-promote siya. Bagaman malaki ang naitulong ito sa kanyang dating estado sa buhay ay hindi pa rin ito naging sapat dahil lumalaki rin ang kanyang mga responsibilidad sa pagkakaroon ng sarili niyang mga anak.

Doon ay tinangka niyang makipagsapalaran sa ibang bansa. Nang maka-ipon ay bumalik siya ng bansa at nagtayo ng sariling computer shop. Nasundan ito ng isang carinderia. Pinag-aralan rin ni Cirstel ang pagkakaroon ng negosyo sa pagda-dive hanggang nakapagtayo siya ng sariling diving company.

Hindi pa dito natapos ang pag-venture ni Cristel sa iba’t-ibang klase ng business. Pinasok niya rin ang pag-franchise ng food car business. Napalago niya ang mga businesses na kanyang pinasok. Ngayon ay nagmamay-ari na siya ng isang restaurant sa Antipolo.

“I never beg. Never akong namalimos kasi malakas naman ang katawan ko. Maraming resources ang paligid natin. So, why not work?”

Malinaw sa kalagayan ni Cristel ngayon na nagbunga ang kanyang lahat ng pagpupursige. Kung noon ay sa kubo lamang siya nakatira, ngayon ay may sarili na siyang bahay at mga sasakyan. Kung noon ay papiso-piso lamang ang kinikita, ngayon ay halos kalahating milyon kada buwan.

“Katulad ng lagi kong sinasabi sa tao, Walang taong maghihirap sa taong masikap,”

Bagaman napakalaki na ng pinagbago ng buhay ni Cristel ay hindi kailanman ito nakalimot sa kanyang nakaraan. Patuloy ang kanyang pagtulong sa mga taonng nasa kanyang community.

Sa buhay ni Cristel ay may isang bagay tayong dapat na matutunan. Ito ay ang patuloy na pagpursige at pagsusumikap, tamang diskarte, at huwag patatalo sa mga negatibong kaisipan at mga karanasan.

(Source & Photos: Rated Korina)

0 Shares

Ano masasabi mo dito?