pilipinas rocks pinay domestic helper saliva toilet water facial cream

Pinay na naghalo ng laway at toilet water sa inumin ng amo nakulong

5 Shares

SINGAPORE — Isang pinay na domestic helper sa Singapore ang nakakulong ngayon dahil sa paggamit ng mamahaling facial creams ng kanyang amo. Ang mga facial cream ay nagkakahalaga ng S$797 o approximately Php30,000.

Maliban dito ay naglagay rin ng maruming tubig galing sa toilet bowl ang nasabing pinay sa inumin ng kanyang mga amo, at minsan ay mula sa pinaglinisang mga gamit sa bahay. Minsan na ring sinamahan ito ng laway.

Pleaded guilty

Guilty ang pag-amin ni Gozar Rose Magtanong, may edad na 32, sa isang kaso ng paggamit ng mamahaling facial cream, at isang kaso ng committing mischief. Dahil dito ay apat na linggong pagkakulong ang iginawad laban sa kanya.

Maltreatment

Ayon sa kanyang attorney na si Kevin Liew, hindi raw maayos ang pagtrato kay Gozon kaya bilang ganti ay nagawa niya ang mga nabanggit. Ilang oras lang umano ang ibinibigay sa kanya para matulog, kinuha ang kanyang cellphone, at hind binabayaran ng tama sa panahon. Hanggang sa pagbalitang ito ay hindi pa rin nababayaran si Gozon ng kanyang mga amo ng aabot dalwang buwan at sampung araw na pa-sweldo. Ang nasabing alegasyon ay iniimbestigahan na rin ng Ministry of Manpower.

Maliban dito ay malimit rin daw si Gozar nakakarinig ng “stupid” mula sa kanyang mga amo sa tuwing magkakamali siya. Hind rin daw maayos ang kanyang pagkain. Tinapay, kape, at lugaw lamang umano ang malimit niyang kainin at ito na rin ang ulam niya sa pananghalian. Si Gozar ay umaabot lamang ng 40 kg sa panahon ng kanyang pagiging domestic helper.

Huli sa CCTV

Nagtataka ang amo ni Gozar kung bakit mabilis na nauubos ang kanyang mamahaling facial cream tulad ng Revive facial serum na nagkakahalaga ng S$389, Etude House facial cream – S$69, at La Prairie anti wrinkle cream – S$339. Naisip nitong maglagay ng CCTV camera at doon niya napatunayang si Gozar nga ang gumagamit.

Matapos mapanood ang video footage ay pumunta ang mga amo, kasama si Gozar, sa agency upang i-terminate ang kontrata. Doon ay inamin ni Gozar na nilagyan nya rin ng maruming tubig at laway ang water container na iniinuman ng kanyang mga amo.

Matapos marinig ito ay muling binalikan ng amo ang CCTV at doon ay nakita na dumudura nga si Gozar sa kanilang mga inumin. Kanila ring inireport ito sa kapulisan.

Source: yahoo! news

Comments