pilipinas-rocks-PM Lee singapore

Pinoys, humugot ng leadership inspiration mula sa Singaporean PM sa gitna ng COVID-19 pandemic

147 Shares

Sana all.

Kahit hindi mga Singaporean o nakatira at nagtatrabaho sa Singapore ay nagse-share ng video ni Lee Hsien Loong, Prime Minister ng Singapore, patungkol sa kanyang mensahe para sa lahat ng naninirahan sa Singapore sa gitna ng COVID-19 pandemic.

As of this writing ay napanood na ito ng lampas 4 million views sa Internet. Ayon sa statista.com, ang Singapore ay nagtala ng approximately 5.7 million population noong 2019.

Nagbibigay kasi ng peace of mind kahit papano ang maikling mensahe ng Singaporean Prime Minister, isang bagay na inaasahan ng mga mamamayan sa isang matinong leader.

Ang mensahe ay punong-puno ng mahahalagang inpormasyon. Sakop nito ang ginagawa ng gobyerno sa kasalukuyan at paghahanda sa hinaharap patungkol sa COVID-19 pandemic.

“We think in advance” ang isa sa mga magagandang nasambit ni PM Lee sa kanyang mensahe. Maikli pero sobrang malaman.

Hindi rin itinago ni PM Lee ang hindi kanais-nais na posibleng mangyayari sa mga mahihina o matatanda sakaling lumala ang paglaganap ng COVID-19 sa Singapore.

Ayon kay Lee, kapag nangyari ang worst scenario ay mapipilitan ang mga health workers at mga nasa frontliners na unahin ang mga high-risks at may posibilidad na malagpasan ang banta ng COVID-19.

Ang mga mayroong mild symptoms ay ini-encourage na bisitahin na lang muna ang kani-kanilang doctor at i-isolate ang sarili sa kani-kanilang tahanan dahil ang mga hospitals ay maaaring gamitin sa mga mayroon serious symptoms.

Dahil dito ay mahalaga ang paghahanda para maiwasan ang lalu pang paglaganap ng coronavirus.

Naipaliwanag rin ni Lee ang social distancing, pagpapatigil ng mga mass gatherings tulad ng pagpunta sa mga simbahan. Binigyang kasiguruhan ni Lee na ang hakbang ay hindi laban sa religion kundi para maiwasan ang contamination ng virus sa isa’t-isa. Binigay niyang halimbawa ang mga nangyari sa South Korea at iba pang bansa na dahil sa church gatherings ay mabilis na lumaganap ang virus.

Maging ang epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic ay natalakay rin ni Lee. Nabanggit niya ang mga frontliners sa tourist industry tulad ng mga taxi drivers at mga nagta-trabaho sa hotels na pangunahing maaaring mawalan ng ikinabubuhay. Nagbibigay ito ng assurance sa mga tao na kahit ang mga nasa mass sectors ay hindi pababayaan.

Ganito ang klase ng mensahe na hinahanap ng mga matitinong mamamayan: maikli, malaman, katotohanan, base sa datos, base sa science at reasoning, walang bahid ng pulitika at pag-endorso ng pulitiko, walang mga epal, walang mga side comments na lalung nagpapagulo, tama sa oras at hindi sinasayang ang oras ng iba, malinaw.. ika nga ay worth your time to watch.

Kapag alam mong may ginagawa ng gobyerno at maayos itong naipapahayag sa bayan at nakikita ng bayan ang katuparan ng mga planong ito ay nagiging kampante ang lahat. Nagreresulta ito ng pagsunod at pakikipag-cooperate ng bawat isa sa mga nanunungkulan.

PM Lee Hsien Loong on the COVID-19 situation in Singapore on 12 March 2020

It is five weeks since I spoke about the COVID-19 situation in Singapore. So it is timely to update Singaporeans again on the medical, economic and psychological outlooks of the situation.Today, the World Health Organization (WHO) officially declared the COVID-19 outbreak a pandemic. This means that while the situation in Singapore remains under control, the COVID-19 threat will be with us for a long time. We cannot be complacent. There are some baseline precautions we must get used to, like maintaining good personal hygiene and not holding large gatherings. We must also plan ahead in case a major outbreak happens in Singapore, like in South Korea or Italy.If a major outbreak happens, we will need more stringent social distancing measures, such as suspending schools and compulsory telecommuting. These will slow down the rate of transmission and prevent our healthcare system from being overwhelmed.Already our economy has been seriously impacted, so we are working on a second stimulus package to support businesses and workers. Singapore’s response to COVID-19 has been recognised by the WHO and the international community. This is through the efforts of many Singaporeans, from the frontline staff to all of us keeping #SGclean. I thank all Singaporeans who are dealing with this calmly and responsibly. We must keep up our efforts, and remain #SGUnited. – LHL (Video by Mediacorp)

Posted by Lee Hsien Loong on Thursday, March 12, 2020

Pero kung ang isang leader ay magulong magsalita, walang klaro sa sinasabi, ginagamit ang pagkakataon upang mamulitika, sinasayang ang oras ng iba dahil late sa oras na sila mismo nagbigay, at marami pang iba ay ano ang aasahang resulta nito sa mga mamamayan?

loading...