Pinoys, visa-free na ang pagpasok sa South Korea simula 2020!

46 Shares

Bilang bahagi ng “Plan for Promoting Foreign Tours” ay inanunsyo ng Ministry of Strategy and Finance at ng Ministry of Justice ng South Korea noong December 12 ang planong pagpapahintulot sa mga citizens ng tatlong Southeast Asian countries na makapasok ng nasabing bansa na walang visa na babayaran.

Ang tatlong SEA countries ay ang Pilipinas, Vietnam, at Indonesia.

Changdelkgung Palace in Seoul, South Korea (Shutterstock/raker)

Ang bagong visa-free program ay para sa mga group of tourists at inaasahang uumpisahan sa taong 2020.

Ang group tour ay maaaring pumasok sa airports ng inland areas tulad ng Seoul, Incheon, at Busan na aabot hanggang limang araw, at ang final destination ay ang Jeju Island.

Excited ka na bang marating ang mga kilalang lugar sa South Korea?

Source: annyeongoppa.com

loading...