pilipinas-rocks-n95 p500 kada piraso

Presyo ng N95 face mask sa Lipa, umabot na ng P500 kada isa!

101 Shares

Nakaririmarim na katotohanan ang bumulaga sa isa nating kababayan ng bumili ito ng face mask sa isang botika sa Lipa City, Batangas. Umabot na kasi ng P500 kada isang piraso ang presyo ng face mask doon!

Ayon kay Angel, bumili siya noong Lunes, Enero 13 ng N95 face mask sa isang botika sa Lipa para sa kanyang kapatid na may asthma. Laking gulat niya ng makita ang presyo nito, P500 isang piraso lamang!

Dahil sa sitwasyon ng kanyang kapatid ay wala siyang magawa kundi bilhin ang nararapat. Makikita sa images ang presyo ng 3M brand na N95 face mask.

Totoong mahal ang brand ng face mask na ito ngunit totoo rin na ang P500 kada isa ay sobrang nakakabwisit na!

Nauna nang siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na sasampahan nila ng kasong administratibo at kriminal ang sinumang mapatunayang nagbebenta ng overpriced na face mask.

“DTI will not hesitate to file administrative and criminal charges against unscrupulous business entities and individuals who capitalize on the consumer’s urgent need for their own profit,” babala ng DTI.

Kamakailan ay napabalitaang pumapalo na sa P100 hanggang P200 ang bawat face mask na dati-rati ay nabibili lamang ng P30-P50 kada isang piraso. Ngunit ngayon ay P500 na!

loading...