rj nieto supalpal na naman us ban delima accusers

Pro-Duterte Nieto sinupalpal ni pro-Duterte Panelo at ng 3 official docs ng US Gov’t sa issue ng pag-ban sa mga De Lima accusers sa US

252 Shares

Ilang oras lamang ang lumipas ng ilathala ng Manila Bulletin ang article ni RJ Nieto ng isulat nito na fake news umano ang napabalitang pag-ban sa ilang individual sa Pilipinas na gumigipit kay Senator Leila De Lima ay nasupalpal agad ang nasabing blogger ng spokesperson mismo ng Malacañang.

Ayon sa article ni Nieto na pinayagang maisulat sa Manila Bulletin ay hindi raw totoo na may ban ang Estados Unidos sa mga taong nasa gobyerno na gumigipit kay Senator De Lima dahil sa wala raw nag-eexist na amendment sa US Budget Laws na especifically binabanggit ang pangalan ni Senator De Lima.

“…the clause on entry bans is the standard text in US Budget Laws since 2015 at the latest. In the absence of any provision that specifically pertains to the detained Senator De Lima, along with the lack of any new Trump executive order similar to the one in 2016, it logically follows that no such ban as reported over the past week exists,” ayon sa isinulat ni Nieto.

Ganunpaman, ilang oras lamang ang lumipas at kinumpirma mismo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo mula sa isang radio interview noong Sabado, December 28, na ayon sa Philippine Ambassador to the US na si Babe Romualdez kumpirmado nga na ang pag-ban ay naisama sa final 2020 US budget.

“I was talking to Ambassador Babes Romualdez sinasabi niyang chineck daw nila ‘yung batas, meron nga raw. Totoo ‘yung ban. (I was talking to Ambassador Babes Romualdez and he said they checked the US law, and indeed there was a ban. It’s true there is a ban),” ayon kay Panelo sa interview ng DZIQ.

Sa news article naman na isinulat ni Sofia Tomacruz ng Rappler ay naipakita ang tatlong official documents mula sa US government na sumasagot at pinapabulaanan ang ‘fake news’ ni Nieto.

Screenshot ng Senate report on the State Department’s 2020 budget na makikita mismo ang pangalan ni Senator De Lima

Dito ay makikita natin ang level ng trustworthiness ng mga isinusulat ni Nieto. Sa kabila nang madali lang makuha ang mga information ngayon dahil sa Internet ay kinapos ang research ng nasabing blogger. Ang nakakabahala ay marami pa rin ang pikit matang umaasang tama ang isinulat ni Nieto.

Hindi na nakapagtataka ang resulta ng isang study (hindi survey) na nagsasabing mababa sa reading comprehension ang karamihan sa mga Pilipino.

Ano masasabi mo dito?

loading...