pilipinas-rocks-vp leni plataporma kontra illegal drugs

Programa ni VP Leni sa war on drugs, nakalatag na. On target: abusado, ninja cops, malalaking drug lords!

102 Shares

Kasabay ng pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa hamon ni Pangulong Duterte na pangunahan ang paglaban sa illegal drugs ay inulit niyang inilahad ang ilan sa kanyang plataporma at programa patungkol sa war on drugs:

Panagutin ang mga abusadong opisyal tulad ng mga ninja cops

Itigil ang pagpatay sa mga inosente

Panagutin ang mga tiwaling opisyal tulad ng mga nagpalusot ng tonetoneladang shabu na galing sa China

Habulin at panagutin ang malalaking drug lords, hindi lang ang mga maliliit na nagtutulak sa kanto-kanto

Bigyan ng hustisya ang mga kamag-anak ng mga pinaslang na inosente sa war on drugs

Maging boses ng mga walang kasalanan na nadadawit sa drug war

Ito ay ilan lamang sa mga prinsipyo at programang hindi isusuko ni VP Leni sa kanyang pagtanggap sa hamon ng Pangulo.

Hindi pabor ang Bise Presidente sa patayang nangyayari sa war on drugs ng Pangulong Duterte dahil maliliit at mga inosente lamang ang kawawa, samantalang ang drug lords ay lumalaya. Maging ang Palasyo at si Pangulong Duterte mismo ay inaming “failed” ang istilong ito.

Ito na kaya ang pagkakataon na matigil na ang extra-judicial killings sa bansa at tuluyan ng managot ang mga tiwali at incompetent na mga namumuno?

Handa kayang makipagtulungan ang Palasyo sa programang ito ni Bise Presidente?

Ano ang masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page