Proud BBM supporter, ng dahil sa Odette, si Leni na ang sinusuportahan ngayon

pilipinas rocks i used to be bbm supporter with pride

Nang dahil sa nakita niyang totoong pagmamalasakit ni VP Leni sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Odette, ang dating proud na BBM supporter na si Cardo Cordona ay isa na ngayong sumusuporta kay Leni Robredo. Ito ayon mismo sa kanyang sariling salaysay.

“hindi to chismis… this happened in front of my two naked eyes”, paglalahad ni Cardo na kanyang karanasang makita ang pagtulong ni VP Leni sa kanyang bayan ng Bais City, Negros Oriental.

Ang Bais City sa Negros ay ang tinaguriang “ground zero” ng nakaraang bagyong Odette. Labing-apat ang namatay at labingsiyam pa ang nawawala ayon sa official records ng local government (as of 8pm December 19 Sunday) matapos dumaan ang nasabing bagyo noong December 17, Biernes ng hating-gabi.

Flash floods at sobrang lakas na hangin ang ilan sa mga dahilan kung bakit malaki ang pinsalang dulot ni Odette sa nasabing siyudad.

Ayon kay Cardo, si VP Leni ang kauna-unahang national government official na tumungo sa lugar nila upang magbigay ng ayuda.

“she was the first nga national level to see the damage areas.. now in the afternoon of that day during her visit a help from ihe national level came,” dagdag ni Cardo.

Isa sa mga pangunahing pangangailangan noon sa mga damage areas ay ang tubig na inumin. Ganito rin ang post ng isang local leader roon na makikita sa image sa ibaba.

Ito mismo ang unang tulong na naibigay ng opisina ni VP Leni sa mga naapektuhang lugar. Ayon sa salaysay ni Cardo sa kanyang Facebook post, nakapagpatayo agad ng water station ang team ni VP Leni, isang bagay na ikinamangha ni Cardo sa istilo ng leadership ni Leni Robredo. Ilang oras nakalipas matapos ang pagbisita ni Leni ay dumating na ang ilan pang mga mineral waters mula sa gobyerno.

Dahil dito ay nakapag-isip siya kung sino talaga ang totoong may malasakit sa bayan: ang dati niyang hinahangaan “with pride” na si BongBong Marcos Jr o ang matinding katunggali nito sa pagka-pangulo na si Leni Robredo.

Malinaw ngayon kay Cardo kung sino ang nararapat niyang ipangampanya at iboto sa darating na May 2022 elections.

Narito ang kabuuang post ni Cardo sa Facebook.

I used to be BBM supporter with PRIDE… (kahit anong sira nyo kay BBM siya pa rin ang president ko…and I’m a strong believer na he is so smart) until this happened…something was bothering me so I did a research and this is what I found out..BBM=became a governor in Ilocos for years and ilocos became 29 sa DTI competitive report…LENI=after odet visited my place (BAIS CITY,NEGROS ORINTAL) she was the first nga national level to see the damage areas.. now in the afternoon of that day during her visit a help from ihe national level came. And her team created a water station sa BAIS CITY the following day after Odet…my friend was part of the team.. kaya hindi chismis ito. This is real..Now Sino ang may puso? Feel free to share my experience kasi hindi to chismis… this happened in front of my two naked eyes…

– Cardo Corona
0 Shares

Ano masasabi mo dito?