albayalde gumagamit ng shabu tulfo source b

R. Tulfo: Gen. Albayalde ay gumagamit ng shabu ayon sa retired police general

3.1K Shares

Gumagamit raw ng shabu ang kare-resign pa lamang na dating PNP Chief na si General Oscar Albayalde. Ito ang ipinost ni Ramong Tulfo sa kanyang Facebook account at isinulat sa kanyang column sa Manila Times.

Ang information sa post ni Tulfo ay galing daw sa isang retired police general.

May ilang mga nag-comment sa post na ito ni Tulfo na hindi kumbinsido sa alegasyon.

Janice Evanz Personally sir na met ko po si sir Oca. Kalmadong kalmado naman po sya.tsaka malinis. Physical evaluation,i dont think gumagamit po sya.

Pero may ibang general akong nakita na di mapakali at mukhang bangag

Ganunpaman, nanatili sa kanyang position si Tulfo at nagbigay pa ng ilang detalye patungkol sa paggamit umano ni General Albayalde ng shabu.

Ramon TulfoJanice Evanz noong chief inspector siya gumamit ng shabu, pero maaaring gumagamit pa rin ngayon, ayon sa retired PNP general.

screenshot ng post ni Ramon Tulfo sa kanyang Facebook account

Napilitang mag-resign

Napilitang mag-resign si General Albayalde sa pagkaka-ugnay sa kanya patungkol sa “ninja cops” gayong ilang buwan na lamang ay nakatakda na ang kanyang retirement.

Maraming butas at problema ang nakita ng Senate Blue Ribbon Committee hearings sa issue ng “ninja cops” sa isinagawang raid noon sa Mexico, Pampanga. “Hulidap” ang termino na malimit ginamit ni Senator Gordon sa nasabing hearings.

Ang noo’y nakaupo bilang Central Luzon PNP head ay si Oscar Albayalde. Nakitang incompetent at questionable ang naging role ni General Albayalde sa nasabing raid.

Click to grab yours now!

Na-promote dahil kay Bato

Sa kabila ng mga insidenteng ito na nagpapakita ng kapalpakan ni General Albayalde ay na-promote ito bilang NCRPO Chief at PNP Chief pag-upo ni President Duterte sa Malacañang.

Nang tanungin ni Ramon Tulfo ang kanyang source na retired police general kung bakit walang kumontra o nag-protesta sa pagkakasama ng pangalan ni Gen. Albayalde sa shortlist ng mga pwedeng maging PNP Chief…

“I think it was because of the strong recommendation of ‘Bato,’” sagot ng source ni Tulfo.

Ang tinutukoy na ‘Bato’ ay walang iba kundi ang dating PNP Chief din na ngayon ay Senador na na si General Ronald Dela Rosa.

Dahil dito ay hinikayat ni Tulfo ang Pangulong Duterte na magtanong rin sa mga taong nasa labas na kanyang inner circle sa pagtatalaga ng mga tao sa mga maseselang positions sa gobyerno.

Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page