pilipinas-rocks-walang epal relief goods

Walang epal! Relief goods na walang pangalan ng pulitiko, approved sa mga Pilipino

7 Shares

Natuwa ang mga netizens ng makita ang ilang mga trucks na may lamang relief goods para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Tatlong malalaking lindol ang dinanas ng Mindanao kamakailan lamang at sinundan pa ito na maraming aftershocks. Marami ang nawalan ng tahanan sa isang iglap lamang.

Dahil dito ay bumuhos rin ang tulong mula sa gobyerno at iba’t-ibang mga grupo, bayan, at individuals.

Sa mga kaganapang ito ay masaya ang mga netizens na makitang ang kapwa Pilipino ay tumutulong sa kanyang kapwa magkaiba man ng relihiyon o kulay sa pulitika.

Sa mga images na nabanggit ay hindi lamang sa tulong na dala natutuwa ang mga netizens kundi dahil na rin sa walang pangalan ng pulitiko na nakasulat sa trapal o banner ng mga sasakyan.

Sa halip na pangalan ng mga kilalang politiko ay isinasaad dito kung saang bayan galing ang relief goods o kung saang bayan mapupunta.

Narito ang ilang mga photos na ikinatuwa ng marami at inaasahang ganito lagi sana ang mangyayari sa tuwing may mag-aabot ng relief goods.

SHARE kung pabor ka sa ganitong paraan ng pagbibigay ng mga tulong sa mga nangangailangan!

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page