pilipinas-rocks-rice self sufficiency to low

Rice self-sufficiency ng bansa, pababa ng pababa ayon sa DA

27 Shares

Ayon na mismo sa Department of Agriculture (DA), ang rice self-sufficiency ng bansa ay patuloy na nalulugmok at maaari itong pumalo sa 85% dahil na rin sa mababang palay production. Ito na ang pinakamababang level ng rice self-sufficiency ng bansa mula pa noong 2010.

Makikita ang pagbaba ng rice self-sufficiency ration (SRR) ng bansa dahil sa mas marami ang ini-import na bigas upang tugunan ang kakulangan sa domestic rice production, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Tinatayang aabot lamang sa 18.48 million metric tons (MMT) ng mga palay ang kayang i-produce ng bansa ayon sa DA. Kapos ito ng 3.04 percent kumpara noong nakaraang taon na umabot naman ng 19.06 MMT.

Ito na ang pinakamababang palay production ng bansa tatlong taon mula nang maging Presidente si Pangulong Duterte. Noong 2016 ay umabot lamang ng 17.627 MMT ang palay production ayon sa statistics ng PSA.

“If we have to compare our rice adequacy level, we are short of 15 percent. So, only 85 percent of our production this year [supplies domestic requirement],” ayon kay Agriculture Secretary William D. Dar.

“Our annual rice requirement is estimated at 14.24 million [metric tons],” dagdag ni Sec. Dar.

Ayon rin kay Sec. Dar at sa datos na ibinigay sa kanya ng Bureaus of Plant Industry and Customs (BOC), umabot ng 3.72 MMT ang kabuuang rice import ng bansa. Dahil raw sa mataas na level ng pag-import ay tinatayang magkakaroon ng ending stock na aabot ng 4.41 MMT.

Mula noong January hanggang October 2019 ay nakapag-import na ang bansa ng 3 MMT na palay sa ilalim ng liberalized trade engine ayon sa datos ng BOC.

May epekto rin daw ang kakulangan sa supply ng tubig kaya maliit lang din ang napo-produce ng palay ng bansa. Mula January hanggang September ngayong taon ay nakapagtala lamang ng 11.32 MMT ng palay, mababa ito kung ikukumpara sa nakaraang taon.

Bumaba ang palay production ngayong taon dahilan ito upang tumaas ang pag-import ng bigas. Ang ganitong pangyayari ay nagpapakita ng pagbaba ng ating rice self-sufficiency.

Ang Pilipinas ay tinuturing na sagana sa agricultural land ngunit pababa ng pababa ang level ng rice self-sufficiency nito.

Ano ang masasabi mo dito?

Source: businessmirror.com.ph