pilipinas-rocks-riding in tandem pulis

Riding-in-tandem na killer ng radio commentator, mga pulis pala!

8.3K Shares

Ayon sa Facebook post ng Philippine Defense Forces Forum, ang mga riding-in-tandem na pumatay sa isang radio commentator ay parehas miyembro ng kapulisan.

Ang kanilang information ay galing sa Dumaguete City local government unit.

Sa photo ay makikita ang dalawang lalaking nakamotor at nakasuot civilian. Ang biktima ay kinilalang si Dindo Generoso, isang radio commentator sa nasabing lugar.

Nakuhanan ng video ang actual na pagpatay sa pamamagitan ng CCTV camera. Tinatayang nasa ala-7 ng umaga nang ginawa ang pagpatay sa area ng Baranggay Piapi.

Ang nagda-drive ng motorsiklo ay si P/Cpl Glenn Corsame na siya namang unang nakilala at arestado na. Itinuro niya ang kanyang backrider na si P/Cpl Roger Rubio bilang bumaril sa biktima.

Nakatakas si Rubio at ngayon ay pinaghahanap na ng otoridad. Si Rubio ay naka-assign sa 2nd Mobile Force Company ng Guihulngan City.

Matatandaang isa mga priorities ni VP Leni sa pagganap niya bilang co-chair ng ICAD ay tanggalin ang kultura ng “senseless killings” at “pinagplanuhang pagpatay” mula sa hanay ng mga nasa otoridad.

Click to grab yours now!

Alamin kung sino mastermind

Marami sa netizens ang nag-suggest na pakantahin ang mga nasabing pulis hanggang sa malaman kung sino ang nagpapatay at mastermind ng krimen.

Sa susog na post ng PDFF ay mababasa ang isang suggestion na NBI o Army ang dapat na humuli kay Rubio sa halip na mga taga PNP PRO-7.

“From the inbox

Sir kaibigan po ako ng napatay na radio broadcaster na si Dindo Generoso. Suggestion ko lang po sa makakita kay Cpl. Rubio, ang fugitive killer, kung maari sa NBI o sa Army ninyo una ireport at hindi sa mga kabaro niyang PNP kasi hindi mapagkakatiwalaan ang PNP PRO7, malaki ang tsansa na titimbrehan nila si Rubio o tuluyang iligpit dahil sabi ni Cpl. Corsame si Cpl. Rubio lang ang may alam kung sino ang nag order sa kanila na tirahin si Dindo.”

May mangyayari kaya sa kaso? Ano masasabi mo dito?