pilipinas rocks sara run sara basurahan napunta

Run, Sara, Run calendar sa basurahan agad napunta

26 Shares

Kahit malayo pa ang 2022 national elections ay ramdam mo na ang pagtakbo ni Sara Duterte bilang presidente.

Marami nang ipinamimigay na mga kalendaryo na ang laman ay mukha at pangalan ng anak ng kasalukuyang presidente na ngayon ay Mayor rin ng Davao City.

Ito ay sa kabila na wala raw interes si Sara na tumakbo sa nasabing position at paltan ang kanyang ama sa pagkapresidente. Ganito rin ang ipinahayag ng kanyang ama noong bago mag-2016 elections. Ganito rin ang ginawa ni Bong Go bago maghalalan sa pagka-senador. Lahat sila ay nagpahayag na di tatakbo, ngunit nag-file rin ng candidacy kinalaunan.

Ibinahagi ng isang netizen kung ano ang ginawa niya ng matanggap niya ang kalendaryong ipinamimigay na may mukha at pangalan ni Sara. Ayon sa kanya ay mas mainam na sa basurahan mapunta ang ganitong mga bagay.

“Ibabasura agad kita ,,mga trapo kayo ,bagsak na ang ekonomiya ng bansa inuuna nyo pa pangangampanya,, “, ayon sa post ng nasabing netizen.

Sa kabila ng malayo pa ang national elections, nasa gitna pa ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas, baon sa utang, corruption, at bagsak ang ekonomiya ay napakaaga umanong pangangampanya ang isinasagawa ng kampo ng anak ng Presidente.

Ayon naman sa comment ng iba ay mas maigi daw na idikit ito sa pader at lagyan ng ekis at caption na “Never Again”. Ang “Never Again” ay ginamit sa pagpapatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

“idikit mo s pader n my ekis s mukha at nkasulat n never again mga trapo at kurap.. para makita ng iba p tao baka mataohan din iba.. kaso delikada mkita k ng mga panatiko.. ” – A.Vera

Tila naumay naman kung sakaling magkaroon uli ng isa pang Duterte sa national position ang isang netizen sa kanyang comment na ito:

“Yuck, Agad agad? kakasawa naman tama na yung isang DU30 wag na dagdagan ” – C. Cenera

“The fact na we’re more divided than before and at the same time binebenta tayo sa China makes it more believable na puppet and taksil ang mga Duterte. Divide and Conquer, pero nagpapauto pa ang iba. Kelan kaya mawawala ang slave mentality ng ating lahi? We’ve been conquered several times, sana naman matuto na. ” – S. Pradeewan.

Nakuhanan rin ng litrato ipinapagawang t-shits at stickers para sa pagtakbo ni Sara sa pagkapresidente.

Ano po ang masasabi nyo dito?

loading...