pilipinas rocks saln duterte ombudsman de leon

SALN ng Pangulo, bakit takot na takot ipakita?

33 Shares

Hindi pinayagan ng Ombudsman na mabigyan ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni P. Duterte ang isang public interest lawyer matapos itong mag-request sa nasabing tanggapan.

“Bakit takot na takot sila na ipakita ang SALN ng Pangulo? Kung walang tinatago, wala dapat ikatakot. The law is very clear: the SALN of public officials should be accessible to the public,” ayon kay Atty. Dino de Leon na siyang humingi ng kopya ng SALN ng Pangulo.

Ang request ay inihain ni De Leon noon pang November 19, 2020. Umabot pa ng halos isang taon bago makasagot ang Ombudsman sa request.

Ayon sa FOI, bawat Filipino ay nararapat na may access sa anumang government information, official records, at public records hangga’t hindi ito makakasira sa seguridad ng bansa.

Kabilang sa mga dokumento at papeles na dapat ay transparent na naipapakita sa publiko ay ang mga opisyal na mga gawa, pakikipagtransaction at decisions ng gobyerno kasama na rin ang mga datos hango sa mga research projects.

Nang dahil sa mga napabalitang nawawalang pondo at ang corruption at scandal na nauugnay sa Pharmally ay nararapat lamang umano na makita ng bayan ang SALN ng mga public officials, kasama rito siyempre ang Presidente.

“With the missing pandemic funds and the Pharmally corruption issue, it is important for us to access the SALN of our public officials, including the President. This is a fundamental part of public accountability and checks and balances against corruption,” dagdag pa ni De Leon.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...