pilipinas-rocks-duque resign

Sec. Duque’s tweet, binaha ng “RESIGN DUQUE” comments

13 Shares

Hindi lang ulan, kundi binaha ng mga “RESIGN DUQUE” comments ang Twitter post ni DOH Sec Francisco Duque III patungkol sa kanyang open letter para sa mga health care workers (HCW) o mga frontliners.

Humihingi ng “timeout” ang mga nurses at doctors sa plano ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 crisis sa Pilipinas. Ayon sa mga healthcare workers ay sobrang pagod na sila at kailangan ng pagbabago sa strategic planning ng gobyerno laban sa COVID-19.

Para sa mga HCW ay hindi efficient ang kasalukuyang sistemang pinapairal ng gobyerno upang mabawasan ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19.

Nanganganib umanong mag-collapse anytime ang healthcare system ng bansa sakaling magpatuloy ang pagkalat ng COVID-19.

Narito naman ang bahagi sa response ni DOH Sec. Duque na kanyang pinost sa Twitter:

“In response to your call, we commit to do more to “care for the carers” with detailed plans for support — from easier actions such as facilitating lodging, transportation, PPE, and food — to pushing for more systematic reforms on compensation and benefits, including necessary network-based changes to healthcare practice.”

Narito naman ang tugon ng isang netizen sa bahaging ito ng nabanggit ni Sec. Duque:

Bago pa man mangyari ang pagsasa-publiko ng hinaing ng mga HCW ay marami na ang sumisigaw ng pag-resign ni DOH Sec. Duque.

“Doon pa lang po sa shuttle para maihatid sila bagsak na. Sana po iba na lang maging hepe sa DOH. Tiwala ng tao ay wala na.”

Narito ang ilan lamang sa comments ng mga netizens patungkol sa open letter ni DOH Sec Duque para sa mga HCW.

loading...