pilipinas-rocks-hontiveros to mocha

Sen. Hontiveros to Mocha: “Mag-focus ka sa trabaho mo sa OWWA”

45 Shares

“Mag-focus ka sa trabaho mo sa OWWA imbes na magpakalat ng #FakeNews.”

Ito ang mariing sagot ni Senator Risa Hontiveros kay Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Esther Margaux “Mocha” Justiniano¬†Uson na mas kilala sa Mocha Uson.

Mainit na balita ngayon ang nakakalkal na corruption sa Philhealth. Nagbitiw sa pwesto kamakailan si anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith dahil sa umano’y matinding corruption sa Philhealth.

Iniimbestigahan na ngayon ng Senado ang sinasabing “systematic corruption” sa Philhealth na kontrolado raw ng mafia.

Agad naman ikinakapit kay Senator Hontiveros ang scandal na ito ng Philhealth ng kanyang mga kritiko, isa na dito ay si Mocha Uson.

“Kailangan ng tulong ng OFWs pero nagawa mo pang magkalat ng chismis sa isyu na pinabulaanan na ng COA at PhilHealth mismo,” dagdag ni Senator Hontiveros sa kanyang Facebook post.

Pinaalalahanan ng Senadora si Mocha na ang corruption scandal ay nagpapatuloy at naungkat apat na taon na ang nakalipas mula ng umupo sa pwesto si Pangulong Duterte.

“Nakalimutan mong 4 years na kayong nakaupo?”

“Managot ang mga dapat managot sa loob ng PhilHealth. We really need to reform the institution. Lalo na ngayong may pandemya, hindi pwedeng may mga masasamang taong pinagkakakitaan pa ang krisis na ito.”

Mag-focus ka sa trabaho mo sa OWWA imbes na magpakalat ng #FakeNews.Kailangan ng tulong ng OFWs pero nagawa mo pang…

Posted by Senator Risa Hontiveros on Monday, August 3, 2020

Ganito rin ang ginawa ni ThinkingPinoy sa nasabing Senadora noong 2017, na sinagot naman niya ng ganito:

“I was appointed to PhilHealth in 2014-15. The bonus in question was in 2013. It’s an impossible feat unless I know how to time travel! Hehe.¬†#fakezone

Ano ang masasabi mo dito?

loading...