pilipinas-rocks-noynoy aquino mamasapano calida

SG Calida-backed petition laban kay Noynoy Aquino, tuluyan ng binasura ng Supreme Court

2.9K Shares

Binasura ng Supreme Court ang petition na naglalayong kasuhan si dating presidente Noynoy Aquino ng 44 counts of reckless imprudence resulting in homicide kaugnay ng Mamasapano bloodbath noong 2015.

Dahil dito ay tuluyan nang naubos patungo sa basurahan ang mga petitions laban kay Aquino na kaugnay sa Mamasapano tragedy.

Suportado ni Solicitor General Jose Calida ang petition ng mga kamag-anak ng mga nasawing pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF), ngunit hindi ito nagtagumpay sa Supreme Court.

Ayon sa petition ay hindi daw tama ang decision ni dating ombudsman Conchita Carpio Morales nang hindi ipagpatuloy ang kasong homicide laban kay Aquino.

Graft and usurpation of authority ang sa halip na ikinaso ni Morales kay Aquino dahil sa pinayagan ni Aquino si Alan Purisima na sumali sa operation gayong suspendido ito.

Grave abuse of discretion naman ang pananaw ni Calida at mga nagpetition sa desisyong ito na ginawa ni Morales.

“The Court held that the Ombudsman did not commit grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction in dismissing the complaints for 44 counts of reckless imprudence resulting in homicide filed against private respondents,” ayon kay SC spokesperson Brian Keith Hosaka sa pamamagitan ng isang news conference.

Hindi naman ipinagpatuloy ni bagong Ombudsman na si Samuel Martirez ang graft and usurpation na kaso kay Aquino. Naniniwala ang Ombudsman na walang presidente ang dapat na kasuhan ng usurpation.

Dahil dito ay tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft and usurpation of authority laban kay Aquino noong August 22.

Comments