pilipinas-rocks-lacson tanging pangulo lamang

Lacson: Si Pangulong Duterte lamang ang may sapat na authority para labanan ang ilegal na droga

122 Shares

Kung si Senador Panfilo Lacson ang tatanungin ay mas gusto niyang si Pangulong Duterte lamang ang tanging nababagay sa paglaban sa droga.

Ayon sa statement na inilabas ng opisina ni Senator Lacson, ang Pangulo lamang ang may sapat na authority at kapangyarihan na pamunuan ang mga tagapagpatupad ng batas.

“Only the President can wield sufficient authority and power over our law enforcement officials,” ayon kay Lacson.

Mangyari kasi ay hinamon ni Pangulong Duterte ang Vice President na si Leni Robredo na pangunahan ang pagsugpo sa ilegal na droga. Handa umano siyang ibigay ang ilang kapangyarihan kay Robredo ng anim na buwan upang labanan ang illegal drugs.

May patama rin kasi ang Vice President laban sa drug war ni Pangulong Duterte. Sinabi ni Robredo na dapat ay pag-aralang muli ay sistema laban sa droga dahil hindi umano epektibo ang drug war ni Pangulong Duterte.

Ganunpaman ay maaari pa rin daw na si VP Leni ang pamumuno sa paglaban sa droga, susog ni Senator Lacson, sa condition na ibibigay ni Pangulong Duterte lahat ng authority sa Bise Presidente kabilang na ang kapangyarihan na magpatalsik at pumili ng mga taong uupo sa mga positions na related sa war on drugs.

“Unless he delegates a blanket authority, including the power to hire and fire, no one else in the government bureaucracy can do it better than the chief executive under any other given circumstances,” paglilinaw ni Lacson.

Ngunit nagpahayag na ang Pangulong Duterte na hindi niya planong ibigay ang lahat ng authority na may kinalaman sa war on drugs sa Bise Presidente kung sakaling tanggapin ng VP ang hamon ng Pangulo.

“I do not surrender anything, I said if she wants, I can commission her to be the drug czar. Marami siyang reklamo doon sa labas, oh sige, sabi niya you have to redirect your… o whatever… parang… Ngayon mas marunong ka man sa akin, I’ll hand in to you full powers sa drugs. I’ll give you six months tingnan natin kung kaya mo,” ayon sa Pangulo.

Sa parehas ring inilabas na statement ay bumwelta si Lacson laban sa Pangulong Duterte. Mabilis daw mapikon ang Pangulo kapag ang war on drugs na ang pinag-uusapan ng kanyang mga kritiko.

“Having said that, the President is easily peeved when his administration’s top priorities such as eliminating illegal drugs and corruption which he used as his campaign platform become the subject of criticisms,” dagdag ni Lacson.