pilipinas-rocks-silya na may locker

Silya na may sariling cabinet, mungkahi ng isang guro na gawin ng DepEd

22 Shares

Silya na may sariling cabinet o locker ang mungkahi ng isang teacher sa Department of Education (DepEd) na i-provide sa mga public schools.

Makakabuti raw ito para sa mga mag-aaral dahil hindi na bibitbitin ang mga libro at notebook pauwi ng bahay at dadalhing muli sa klase araw-araw.

Ang problema?

Hindi makakaila na karamihan sa mga estudyante ay pagod sa maghapon hindi lamang sa pag-aaral at paglalaro kundi dahil na rin sa taglay na bigat ng bag na kanilang dala-dala.

Kung maiibsan sana ang bigat ng mga bags ay maaari pang magamit ang natipid na energy ng mga bata sa ibang mas makabuluhang gawain.

May mga estudyante na traveling bag at de gulong o trolley ang dala. Mainam rin ito upang hindi bitbit sa likod ang mabibigat na libro. Ngunit karamihan sa mga mag-aaral ng public schools ay hindi kayang bumili ng mahal na travelling bag.

Paano na lamang ang mga batang naglalakad pauwi ng bahay bitbit ang backpack na daig pa ang limang kilong bigas ang dala? Hindi lamang kalahati o isang kilometro ang kanilang nilalakbay. Ang iba ay lampas pa sa isang kilometro ang nilalakad.

Ang solusyon?

Ibinahagi ng Father Michael Donoher Memorial School ang kanilang solution sa problemang ito. Ang disenyo ng kanilang upuan sa klase ay may sariling cabinet o locker para sa mga libro at iba pang kagamitan ng bata.

Sakaling may kukunin sa locker ay tatayo lamang ang bata at itataas ng inuupuan na nagsisilbing takip sa locker upang kunin ang gamit sa loob.

Dahil dito ay masayang uuwi ang mga bata na may taglay pang lakas para sa pagtulong sa mga gawaing bahay o anu pa mang gawaing makakatulong sa kanilang pag-develop ng character at mga kakayanan.

Nais ni teacher Pablo Juan Manalo na gayahin ito ng DepEd upang mapakinabangan rin ng mga estudyante sa public schools.

“Dear DepEd People… pag-isipan po ninyo ang ganitong type ng upuan. This would greatly help our students to go to school w/ ease since they don’t need to carry ALL of their stuff. In addition, it could maximize the space in a classroom. Thank you and mabuhay!”, ayon sa post ni Pablo.

Ang FMDMS ay isang private school ngunit ang kanilang idea ay maaaring i-adopt ng mga public schools.

Source/Photos: FMDMS

Ano sa tingin mo?