pilipinas-rocks-paano maiiwasan ang coronavirus

Simpleng mga gawain upang maiwasan ang pagkakaroon ng coronavirus

23 Shares

Narito ang ilan sa mga facts patungkol sa coronavirus. Ang pagkakaalam sa nasabing nakakamamatay na virus ay makakatulong upang maiwasan ang pagkalat at pagkakaroon nito.

  • Kapag bumahing ang taong infected, tatlong metro ang inaabot ng virus bago bumagsak sa lupa or sa mga bagay.
  • Kapag napunta na sya sa lupa or mga bagay, labingdalawang oras ito bago mawala. So kapag nasa public area, huwag hawak ng hawak sa kung saan saan.
  • Anim hanggang labingdalawang oras ang virus na tumatagal sa tela o damit. Namamatay din naman ang virus sa damit pagnalabhan. Pwede ring gumamit ng bleach sakaling di ka pa kumbinsido na wala na nga ang virus. Sa mga makakapal na tela, pwede ibilad sa araw. Ang virus ay namamatay sa hot temperature at alcohol.

Sintomas

  • Unang target ng virus ay ang lalamunan. Magkaka-sore throat na tumatagal ng 3-4 araw.
  • Hahalo na ang virus sa mga nilulunok na fluid. Papasok sa trachea, then sa lungs na nagko-cause ng pneumonia. Ito ay tumatagal ng 5-6 mga araw.
  • Kapag may pneumonia na, magkakalagnat na at mahihirapang huminga. Yung paghinga ay parang nalulunod ka.

Simple at maaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng coronavirus:

  1. Laging magdasal. Magbibigay sayo ito ng lakas upang ipagpatuloy ang mga nararapat gawin sa araw-araw.
  2. Magbilad ng mga 3 hanggang 10 minuto sa ilalim ng araw bago pumasok sa tahanan. Ang sikat ng araw ay mabisang pamatay ng maraming virus.
  3. Iwasang humawak sa mga bagay-bagay lalu na sa pampublikong mga lugar tulad ng hagdan, table, computer keyboard, at iba pa.
  4. Ugaliing maghugas lagi ng kamay. Lima hanggang sampung minuto tumatagal sa kamay ang virus.
  5. Magmumog ng mouthwash para mawala ang virus sa lalamunan bago pumunta sa lungs, kung meron na.
  6. Huwag humawak sa mukha, magkuskos ng mata, o mangulangot kapag hindi pa naghuhugas ng kamay.
  7. Ang paggamit ng rubbing alcohol ay hindi kaartehan, hindi ito nakakawala ng pagkalalake o kagandahan.
  8. Magsuot ng mask. Kung inaakala mong hindi mo kailangan, pero alang-alang sa iba ay magsuot ka na rin ng mask. Dobleng nakakadiri ngayon na pumapatak ang laway ng iba sa balat mo.
  9. Panatilihing balanse ang pagkain na may iba’t-ibang nutrition.
  10. Iwasan na muna ang mga matatamis na pagkain o inumin tulad ng milkshake o softdrinks.
  11. Mag-exercise lagi.
  12. Iwasan ang pagpupuyat. Nakakahina ito ng resistensya at nakakawalang lakas o gana para sa mga normal na gawain.

Paki-share na lamang po sa mga relatives at mahal sa buhay upang sama-sama nating matagumpayan ang pagsupil sa nakamamatay na coronavirus.

loading...