pilipinas-rocks punitin ang used face mask2

Sirain o gupitin ang used face mask kung itatapon na sa basurahan

21 Shares

Kung itatapon mo na sa basurahan ang face mask ay mas makakabuti na sirain mo ito o gupitin, yung siguradong hindi na mapapakinabangan.

Kahit ginamit mo o hindi pa, bastat ang kahihinatnan ng face mask ay sa basurahan mas maganda na punitin mo ito.

Baka gamitin ang ginamit mo na

Maaari kasing pag-intresan pa ng ilang mga kababayan na walang budget para sa face mask o hindi makagawa ng improvised na pangharang sa kanilang laway o sipon.

Mas makakasama ito sa kanila dahil punong-puno na ito ng mikrobyo galing sayo. Maaaring hindi lamang coronavirus ang makuha nila kundi iba pang germs at bacteria na makakasama sa kanilang balat at katawan.

Gaano man kadiri ito sa isipan mo pero ito ang realidad ng ating lipunan. May mga kababayan tayong kahit pagkain nila ay sa basurahan nila kinukuha. Kung kaya nila itong gawin sa kanilang sarili para sa kanilang pagkain, gaano pa kaya sa face mask?

Makakatulong ka ng malaki sa paglaban sa pag-spread ng coronavirus kung sisirain mo ang face mask bago itapon sa basurahan. Dahil dito ay makasisiguro kang hindi na nila ito pag-iintresan.

Pag-recycle ng used face mask

Maiiwasan rin nito ang posibleng pag-recycle ng mga face masks at muling pagbenta sa publiko.

Sa Thailand ay napabalita ang pagkahuli ng mga kapulisan doon sa isang shop na nagre-recycle ng mga gamit nang face masks at ibinebenta muli sa publiko.

Ang mga face masks na nakuha ay nilalabhan, pinaplantsa, nire-repack, at tinitinda uli sa mga walang kamalay-malay na mamimili.

Makikita sa photo sa ibaba ang mga face masks mula sa loob ng washing machine para i-recycle.

Ang pagsira o paggupit sa face mask na gamit at itatapon na sa basurahan ay isang gawaing makakatulong sa pangkalahatan.

Please SHARE this simple way of helping our country survive this pandemic.

loading...