Manong street vendor, saksi sa panahon ng Martial Law, kay Leni ang suporta

pilipinas rocks manong vendor suportado si leni

Narito ang pagbabahagi ni Aldo Sibayan ng kanyang karanasan sa pakikpag-usap sa isang street vendor sa Calamba City, Laguna. Ayon sa kanilang pag-uusap, si manong na nagtitinda sa kalsada, ay nakaranas ng buhay noong panahon ng Martial Law ni Marcos Sr., at dahil dito ay matibay ang suporta ni manong kay VP Leni Robredo.


I was leisurely parked outside BPI Calamba waiting for wifey to come out when I happened to see this vendor casually hinting at his favored candidate. Being able to get his attention and ask a few questions, he was game to answer some of it.

Ako: Manong, pansin ko si Leni ang nakadikit sa icebox mo. Siya ba ang gusto mo para mamuno satin? At bakit?

Manong: Abah oo. Alam mo nong, marami natulungan tong taong to, sa lugar namin, ang pamilya ko mismong nakaranas nung nabagyo kami. Sa panahon ngayon kailangan natin ng lider na taos pusong tutulong satin.

Ako: Ahh ganun ho ba? Naku, nakakatuwa naman ho marinig sa inyo yan. Pero matanong ko lang ho, bakit hindi po kayo nagpula( the red candidate) sa panahon ngayon na tila maraming nahuhumaling?

Manong: Buhay na kasi ako nung yung tatay nya ang namumuno. Mahirap ang buhay nun, at ang dami ng dinakip nun na hindi na nakita o kung nakabalik man, pinahirapan at sinaktan sila.

Ako: Pano nyo ho nasabi mahirap ang buhay noon?

Manong: Halos wala kaming makain nuon. Pumipila pa kami sa nagrarasyon ng bigas. Kung may kapiranggot ka namang pera nuon, wala ka namang halos mabili sa sobrang mahal ng bilihin. Marami silang kinupit sa kaban ng bayan nuon at madalas ang kasiyahan at pagdiriwang sa MalacaƱang nuon samantalang naghihirap ang mga Tao.

Ako: Pano nyo ho Alam?(about the parties)

Manong: Kasi nakatira lang ako malapit dun kasama ng aking pamilya.

Ako: Ano ho masasabi nyo dun sa tumatakbong anak nya?

Manong: Sa totoo lang ayaw ko sa kanya. Yung ginagamit nya pantakbo ngayon, pera pa na nakuha nila nung sila pa yung nakaupo. Pera ng bayan yun.Yung mga nagtatricycle dito, binayaran ng tig lilimang daan para makipila sa daan (motorcade). Pwera pa yung pampagas nila.

Ako: Napahanga nyo ako manong. May ganyan pa pala tulad nyo. Maari ko ho ba kayo kuhanan ng litrato at ilagay sa Facebook ang litrato nyo bukod sa napagusapan natin?

Manong: Sige po.

Ako: Maraming salamat!!

Hinangaan ni Aldo si manong dahil sa paninindigan nito, na kahit mahirap ay pumapanig pa rin sa tama at hindi nagpapauto sa mga kwentong Youtube at Tiktok videos.

Sa panahon ngayon, may mga tao pa palang natitira tulad nya. Hindi nagpapaloko, hindi nagpapa-uto, hindi nakikisama sa agos. Nagiisip ng kung ano ang makakabuti para sa bayan. Naiisip ang kapakanan ng kapwa nya maralita at kapos sa buhay. Sana ay dumami pa ang tulad nyo.Maraming Salamat manong! Mabuhay ka!(This post is not to meant to endorse candidates but to give guidance as to how candidates are and should be, conscientiously chosen)

Mababasa sa ibaba ang original post ni Aldo Sibayan:

0 Shares

Ano masasabi mo dito?