pilipinas rocks portugal covid-19 worst place philippines duterte

Success ng Portugal laban sa Covid-19 vs Duterte’s style

0 Shares

PORTUGAL. Sa huling mga araw ng January 2021, ang healthcare system ng Portugal ay nalalapit ng bumagsak dahil na rin sa Covid-19. Marami ang hindi na maidala sa mga hospitals at sa bahay na lang naghihintay ng gamot at milagro.

Matapos ang walong buwan, ang Portugal ay isa na sa mga nangungunang bansa na nagiging matagumpay sa paglaban sa Covid-19. Halos 86% ng kanilang population ay fully vaccinated na. Ito ay ang mga nasa edad na 12 years old pataas at qualified na maturukan ng anti-Covid-19.

Sa pagpasok ng Oktubre, tinanggal na ng Portugal ang halos lahat ng mga restrictions related sa Covid-19. Umaabot na lamang sa 600 Covid-19 cases sa isang araw at mangilan-ngilang record ng pagkamatay.

Bagaman may mga threats pa ng Covid-19 infections, ngunit ang ipinamalas na paglaban ng Portugal ay isang bagay na dapat makita at matutunan ng maraming leader, lalu na dito sa Pilipinas.

Tulad ng maraming bansa, ang Portugal ay may problema rin patungkol sa mga anti-vaxxers at iba pang mga hurdles para sa hinahangad na herd immunity.

Paano nagawa ng Portugal na maging successful so far sa paglaban sa Covid-19?

Hindi minaliit ang kalaban

Itinalaga ng Portugal si Vice Adm. Henrique Gouveia e Melo, isang dating submarine squadron commander, upang pangunahan ang vaccination program ng kanilang bansa. Ayon kay Gouveia e Melo, mahalaga sa isang laban na alam mo ang kaaway, ang kapasidad nito, at paano ito matatalo.

“The first thing is to make this thing a war,” ayon kay Gouveia e Melo sa isang interview.

Ito ay kabaligtaran sa mga narinig natin kay President Duterte na “sampalin ang virus”. Walang ka-seryosohan at tila minamaliit ang disgrasya na dala ng Covid-19. Natunghayan at naranasan natin ang malagim na epekto ng ganitog kayabangan.

Militar para sa kaayusan at hindi pananakot

Ginamit ni Gouveia e Melo ang karanasan niya sa military hindi para takutin ng pagpatay ang kanilang mamamayan kundi upang ipakita na seryoso ang kanilang paglaban sa Covid-19. Trinato nila ito na tulad sa isang totoong military war.

“I use not only the language of war, but military language,” ayon kay Gouveia e Melo.

Sa lugar kung saan maraming anti-vaxxers at pumipigil sa vaccination program ng gobyerno ay saka lamang ipinapakita ang presensya ng military upang mapanitili ang kaayusan.

Walang pananakot sa mamamayan tulad ng narinig natin sa bibig ni Duterte na “shoot dead them” para sa mga lockdown violators.

Experts at hindi politiko

Maagang bumuo ng isang team si Gouveia e Melo na karamihan ay mula sa hanay ng army, air force, at navy. Bagaman mula sa mga elite military personnel ngunit ang mga miyembro ay doctors, mathematiicans, analysts, at strategic experts.

Noong tinanong si Gouveia e Melo kung ano ang kanyang masasabi upang mapabilis ang vaccination program ng mga bansa, wala siyang atubiling sabihin na:

“They need to find people who are not politician.”

Ganito rin ba ang nakita natin sa task force na binuo ni Duterte? Kayo na ang makakapagsabi.

Maayos na communication policy

Ang communication policy na ginawa ng Portugal ay upang mabuo ang tiwala ng mamamayan sa vaccination program ng gobyerno. Nagkakaisa ang mga datos at mensaheng ipinapahayag sa mga tao.

Naranasan at natunghayan natin sa Pilipinas kung paano nagkakaiba-iba ang mga policies na naihahatid mula sa Malacanang hanggang sa mga local governments. Malimit tayong magbiro na dapat sila-sila mismong nasa taskforce o Malacanang ay magkaroon ng Viber or Line group para sila-sila muna mag-usap bago isapubliko ang kanilang mensahe.

Hindi rin sinayang ni Gouveia e Melo ang tiwala ng mamamayan sa image ng militar. Seryoso at honest niyang sinasagot ang mga tanong na walang bahid ng politika.

Sa Pilipinas? Halos tatlong oras ng nagsasalita si Duterte pero wala ka pa ring marinig na maayos na hakbang sa paglaban sa Covid-19. Kinalaunan ay sasabihin lang kung anong lugar ang may ECQ, MCQ na para bagang pinadaan sa kapalaran ng roleta.

Military, doctors, nurses ang una bilang halimbawa

Upang masira ang agam-agam ng mamamayan sa vaccine ay mismong ang mga military, doctors, at nurses ang nangaunguna sa pagpapa-vaccine upang makita ng taumbayan ang pagiging epektibo nito.

Tandaan na hindi inuuna ang mga politiko na maturukan bilang halimbawa kuno.

Sa mga susunod na araw ay bababa na bilang leader ng anti-Covid-19 task force si Gouveia e Melo. Bagaman ramdam niya na ang Portugal ay nasa tamang tinatahak, ngunit dapat pa rin daw ipagpatuloy ang vigilance para masigurong tuloy ang tagumpay ng Portugal laban sa Covid-19.

Nakakalungkot lang isipin na nabuhay tayo sa panunungkulan ni Duterte sa panahong tinamaan ng pandemic ang mundo. Hindi na nakapagtataka kung bakit tayo ay “worst place to live during pandemic“.

Source: yahoo!news

Comments