pilipinas-rocks-paginom ng tubig

Tamang pag-inom ng tubig, prevention sa maraming sakit

May apat na karaniwang sakit na nararamdaman lagi ng mga pinoy halos araw-araw na ang tanging gamot at prevention lamang ay ang tamang pag-inom ng tubig. Ito ay ang mga sumusunod:

Headache – ito ay ang karaniwang pagsakit ng ulo na kadalasan ay naiibsan ng pagpapahinga, pagkain, at pag-inom ng tubig.

Migraine – ito ang pagkirot ng ulo o mas mataas na level ng headache. Kalimitan ay bahagi lamang ng ulo ang apektado at may kasama itong pagkahilo at paglabo ng pagtingin.

Dizziness – ito ay ang pagkahilo.

Vertigo – hindi lamang pagsakit ng ulo kundi may kasama itong pagkalula na tila ang nasa palibot ay gumagalaw dahilan upang hindi maayos ang pagkakatayo ng isang tao. Nao-off balance ang taong may vertigo.

Ang apat na ito ay maiiwasan kung nakakainom ng walong baso ng tubig araw-araw. Ang sukat dapat ng isang basong tubig ay 330ml.

Tubig sa utak at katawan

Ang amount ng tubig sa katawan ay mula 50% hanggang 70% depende sa maraming factors. On average, 70% ng katawan natin ay tubig. Eighty percent ng utak ay compose ng tubig.

Mas maraming tubig sa loob ng katawan ng bata kumpara sa mga adults.

Image from thoughtco.com

Tubig at ang bisyo, pagpupuyat, at pagiging madaldal

Sa pagdaan ng panahon sa maghapon ay nababawasan ang tubig na ito sa pamamagitan ng pagsasalita, pagpinapawisan, umiihi, dumudumi, pagpupuyat, mainit na temperatura ng katawan, at iba pa.

Doble ang nawawalang tubig sa katawan ng mga taong naninigarilyo at umiinom ng alak dahil doble rin ang gingawa ng katawan upang ma-control ang masamang epekto ng bisyo sa katawan.

Ang pagpupuyat ay malaki rin ang nababawas na tubig sa katawan dahil sa halip na nagpapahinga ay gumagalaw pa ang ating mga internal organs sa panahon na dapat sana ay nagre-recover ito sa maghapong paggalaw.

Ang mga taong laging nagsasalita tulad ng mga tsismosa ay malimit sumakit ang ulo lalu na kapag di nakakainom ng tubig.

Dehydration ang tawag kapag maraming tubig ang nawala sa loob ng katawan. Hindi na normal ang katawan kapag umabot sa dehydration. Ang tanging solusyon lamang ay maglagay uli ng tubig sa katawan.

Hindi kabilang sa tubig ang juice, iced tea, softdrinks, sabaw, at alak. Dapat ay malinis na inuming tubig.

Paglaklak ng tubig

Hindi kailangang laklakin ang isang basong tubig ng isang inuman lamang. Masasayang ang ibang tubig na hindi magagamit ng katawan. Mas mainam na uminom ng paunti-unti sa buong maghapon hanggang sa maubos ang walong baso.

Typical na pag-inom ng tubig ng mga pinoy

Tanungin natin ang ating mga sarili: nakumpleto ba natin ang pag-inom ng walong baso ng tubig ng Lunes? Kung hindi, araw pa lamang ng lunes ay hindi na normal ang katawan. Parehas na tanong din ang gamitin natin para sa mga susunod na araw ng sanlinggo.

Kung negatibo ang sagot natin sa tanong na ito, ibig sabihin ay patuloy na bumababa ang water level ng ating katawan. Habang bumababa ang water level ng katawan ay lumalapot din ang dugo.

Kakulangan ng tubig at paglapot ng dugo

Kapag lumapot ang dugo ay nagiging acidic ang katawan. Kapag ang katawan ay acidic lahat ng sakit ay pwedeng pumasok.

Kung name-maintain lang natin ang pag-inom ng walong baso ng tubig sa isang araw ay maraming sakit ang maiiwasan tulad na lamang ng pagsakit ng ulo.

Kapag malapot ang dugo ay nahihirapang umakyat ito sa utak dahil na rin sa law of gravity. Dahil dito ay kinakapos ng blood supply ang brain cells na siyang dahilan ng pagsakit ng ulo.

“Paliguan” ang loob ng katawan

Naliligo tayo araw-araw dahil alam natin na tayo ay nadumihan maghapon ng pawis, pollution, gabok, at marami pang iba. Hindi tayo mapakali sa gabi na malagkit at makati ang pakiramdam natin.

Ganun rin dapat ang isipin natin para sa loob ng ating katawan. Marami tayong pinapasok na nagpapalagkit at nagpapadumi ng ating mga internal organs kaya kailangang “hugasan” rin ito sa pamamagitan ng pag-inom ng malinis na tubig.

Kapag ang braso natin ay napahiran ng ice cream ay agad natin itong pinupunasan o hinuhugasan. Pero parehas ding ice cream ang ipinasok natin sa katawan ngunit wala sa isip natin na hugasan ang anumang parte sa loob ng katawan na dinaanan ng ice cream.

Conclusion

Hindi man natin matandaan ang mga nakasulat sa itaas, ngunit isang bagay lamang ang dapat nating alalahanin at laging ginagawa para makaiwas sa maraming sakit: siguraduhing nakakaubos tayo ng at least walong baso ng tubig araw-araw.

Nawa ay nakatulong ang video at article na ito para mamuhay tayong ligtas sa maraming sakit. Please SHARE to your family and friends!

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page