pilipinas-rocks-travel ban earth dios coronavirus

Temporary total ban sa earthlings papuntang langit ginawa ng Dios out of pure love

25 Shares

Marahil nabasa o narinig mo na ang mga copy-pasted na pinapakalat ng troll armies kung bakit daw hindi nararapat ang temporary total ban sa mga travelers na nagmumula sa pinanggalingan ng coronavirus. Isa daw itong racist, inhumane, at kawalan ng pagibig sa kapwa.

Inhumane daw kasi dapat hayaan lang dumating dito at saka i-quarantine o gamutin. Na para bagang super galing ng medical equipments natin dito para maalagaan sila ng husto.

Ang unang kaso ng namatay na apektado ng coronavirus outside China ay sa Pilipinas nangyari. Nagpapakita ito kung gaano tayo “kahanda” laban sa nakamamatay na virus.

Sana ay maging paalaala ito sa mga misguided sympathizers at mga travelers na rin mula China na mas safe sila doon sakaling mahawaan sila ng virus. Mas advance ang facilities nila doon kesa dito, kaya huwag na muna silang mag-biahe.

Karamihan sa mga copy-pasted trolls o misguided sympathizers ay gumagamit ng Bible verses to support their copy-pasted stand. Sila rin yung mga Kristiano daw na tameme sa pagkamatay ng maraming bata at mga inosente at paglabag sa human rights ng mga Pilipinong napaslang o kamag-anak ng mga napaslang dahil sa EJK at war on drugs ni Pangulong Duterte.

Sila rin yung mga Kristiano na tumutuligsa sa human rights advocates ng Pilipinas at ng United Nations, pero ginagamit na ang ‘human rights issues’ ngayon para sa mga maapektuhan ng temporary total ban na karamihan ay mga Chinese.

Wala na silang magawa ngayon dahil ang kanilang iniidolo, dinedepensahan, at pinaglalaban ay bumaliktad na sa kanila. Lately lamang ay ipinatupad na ng MalacaƱang ang temporary total ban sa mga travelers na galing ng Hubei, China sa pagpasok ng Pilipinas.

Ibig bang sabihin nito ay racist at walang pag-ibig ang Pangulo para sa mga maapektuhan ng temporary travel ban niya?

Makailang beses na silang pinapahiya ng kanilang iniidolo, hindi na nadala. Alam nating dumating sila sa ganitong dilema dahil na rin sa kanilang pagkapanatiko. Kahit mali na ay pilit pa ring nilalagyan ng rason at taas noong pinagtatanggol ito.

Temporary ban ay isang common sense

Actually, ang temporary ban ay isang common sense na gawain. Hindi mo na kailangang sabihan ang isang magulang na may tamang pag-iisip na huwag munang ilalabas o hayaang dalawin at hawak-hawakan ng sinuman ang bagong sanggol lalu na kung ito ay may health issues pa.

Karamihan sa mga magulang ay nagpapatupad ng “temporary ban” sa mga gustong bumisita. At kung may bumisita man ay makikiusap sila na magkaroon ng limitasyon sa pagkaroon ng contact sa bata.

Common sense ito kasi nga mayroon hindi normal na situation. At kapag maayos na ang lahat ay maaari ng dalawin o ipa-karga sa iba ang bata.

Temporary ban ay prinsipyong mula sa Dios

Ang pag-implement ng temporary total ban sa panahon ng crisis o epidemic ay hindi racist o kawalan ng pagibig sa kapwa. In contrast, ito ay hango pa nga sa prinsipyo ng pagibig.

Nang mahulog sa kasalanan ang tao ay inilayo ng Dios ang tao sa Garden of Eden at naglagay ang Dios ng isang anghel na may tabak upang hindi ma-access ng tao ang Puno ng Buhay.

“Kaya’t pinalayas siya ng Panginoong Diyos sa halamanan ng Eden…”

“At kanyang itinaboy ang lalaki; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga kerubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang bantayan ang daang patungo sa punungkahoy ng buhay.”

Genesis 3:22-24

Lubhang nakakaawa kasi ang tao na mabubuhay ng walang hanggang ngunit puno ng sakit at pagdurusa dahil nariyan pa rin ang kasalanan. Ang nais ng Dios para sa mga tao ay buhay na walang hanggan na walang kasalanan.

Sa madaling salita ay nagpataw ang Dios ng temporary ban sa mga taong nagkasala. Ito ay Kanyang plano mismo. Ginawa Niya ito dahil sa pag-ibig sa tao.

Ginagamot habang naka-quarantine sa lupa

Maliban lamang sa ilang tao na pinahintulutan ng Dios na makapasok na sa langit ay generally speaking, ang mga tao sa mundo ay sa mundo hanggang sa kanilang kamatayan.

Ganunpaman, hindi pinabayaan ng Dios ang mga tao sa lupa habang nagkakaroon ng temporary ban. May plano Siya. Habang naka-quarantine ang mga tao sa planet earth ay isinagawa at isinasagawa Niya ang Kanyang plan of salvation para sa mga tao.

Kumbaga ay mayroong paggagamot Siyang ginagawa habang nagkakaroon ng temporary ban.

At sa panahon na tuluyan nang mawala ang kasalanan ay aalisin na ng Dios ang travel ban ng mga earthlings patungo sa langit, at doon ay mamumuhay sila ng walang hanggan na walang sakit at pagdurusa dahil wala na rin ang kasalanan.

Hindi ba’t ito ganito rin ang nararapat habang may epidemic pang nangyayari? Na limitahan ang movements lalu nsa ground zero ng pinagmulan ng outbreak?

Ang temporary total ban sa mga travelers galing sa pinagmulan ng coronavirus ay hindi isang hakbang na racist o kawalan ng pagibig sa kapwa. Ito ay isang prinsipyo na hango sa common sense at pattern na ibinigay ng Dios.

loading...