Thai wife naghahanap ng 3 kabit para sa asawa, 15k baht ang sweldo kada buwan

thai wife hires mistresses

Sabi nila wala daw perpektong babae sa mundo. Well, pakibasa ang balitang ito and let us know sa comments kung totoo nga ang kasabihang iyan. 🙂

Isang asawang ginang mula sa Thailand ang nagpost sa kanyang social media account na naghahanap ng kabit para sa kanyang mister. No. Hindi po galit ang asawang babae, gusto lamang talaga niyang maging masaya ang kanyang asawang lalake. Perfect woman na ba?

Hindi fake news, mga tol. In fact, may pasweldo pa siyang 15,000 baht o around 23,000 Philippine pesos kada buwan. Hindi lamang isang kabit ang kailangan niya kundi tatlo!

Ang nasabing ina na si Pattheema ay 44 na taong gulang na at may isang anak. Successful ang kanilang pamilya sa cane truck business na kanilang pinagkaka-abalahan sa probinsya ng Samut Prakan sa Thailand.

Ayon kay Patheema, nalulungkot siya para sa kanyang asawang lalake dahil hindi niya matutukan ng maayos ang pangangailangan ng kanyang asawa. Lagi umano siyang pagod kapag dumarating na ang gabi, at ang nais lamang nya ay mapasaya ang kanyang mabuting asawang lalake.

Dahil sa hindi na niya magampanan ng maayos, minabuti ni Patheema na mag-hire ng mga kabit para sa kanyang asawa.

May caption na “Hiring mistresses for my husband” ang post ni Pattheema sa kanyang TikTok account @natpattheema789.

May mga requirements rin ang nasabing position at may mga pa-freebies pa sa applicants na makukuha.

“I want to hire three mistresses for my husband. I want women aged between 30-35 years old who have finished high school or have a Bachelor’s degree. You will get paid at least 15,000 baht a month, get free accommodation, and free meals.”

Nilinaw rin ni Patheema ang mga responsibilities na aasahan ng mga applicants.

“But you need to help me out. Two will be hired to help with document work in my office, and another one will be hired to take care of me, my husband, and my child.”

“I guarantee there will be no fight between you and me. I allow my husband to choose who he wants to sleep with or stay with. No schedule, he can pick by himself. But first of all, you need to do is get a medical check proving that you don’t have HIV.”

Hindi nakapagtataka na nag-viral ang post ni Patheema sa kanyang Tiktok account. Marami ang nagsasabi na fake ang kanyang mithiin at gusto lamang niyang magpasikat. Ngunti paglilinaw ni Patheema sa interview ng Thai media na seryoso siya sa kanyang plano. Gusto niya rin na may nakakausap at kaibigan sa kanilang business, at makakatulong rin sa kanyang wellness ang nasabing plano.

Laking gulat ng asawa ni Patheema na malaman ang kanyang post sa social media. Malalim ang kanilang pag-uusap bilang mag-asawa sa nasabing plano, na kinalaunan ay pumayag na rin ang asawang lalake.

Ayon sa lalake, ayaw nya ng may kabit ngunit ayaw niya ring maging malungkot ang kanyang asawa dahil sa pagtanggi sa kahilingan nito.

So, pano mga tol? May perfect woman nga ba?

UPDATE: May na-hire na siyang kabit para sa kanyang asawang lalake!

0 Shares

Ano masasabi mo dito?