face mask levy expensive

Tingnan: Pinakamahal na face mask, kanino napunta?

11 Shares

Sa kabila ng maraming naghihirap, nawawalan ng trabaho, sobrang nababahala kung saan kukunin ang pambili ng pagkain sa mga susunod na araw dahil nga sa COVID-19 pandemic ay meron pa rin talagang mga tao sa mundo na “hindi alam” kung paano o san gagastusin ang kanilang yaman.

Ibinahagi ng isang Israeli jewelry company ang maituturing na pinakamahal na face mask na kanilang ginawa ngayong kasagsagan ng COVID-19 crisis sa mundo.

May mga face masks na kung tawagin ay “designer collection”. Ito yung mga items na branded at mamahalin na kalimitan ay nagkakahalagang Php1,000 o higit pa. May ginawa ang Swarovski na face mask na umaabot ng halagang Php25,000 dahil ito ay nababalutan ng mga mahahalagang bato.

Photo: screenshot mula sa Bloomberg video

Ngunit ang halaga ng face mask na ginawa ng Yvel company sa Israel ay katumbas ng isang resort, bahay, o sasakyan. Ang presyo nito ay $1.5 million o Php70 million!

Ang pinakamahal na face mask sa buong mundo ay yari sa 18-karat na ginto at napapalamutian ng mga itim at puting diamonds. Isang businessman sa China ang nagpagawa ng nasabing face mask.

Ayon kay Isaac Levy ng Yvel company, ang gumawa ng mamahaling face mask, ay nagbigay raw ng tatlong conditions ang kanilang cliyente na mula sa China.

Una, dapat raw ang face mask ay maituturing na “working as it is intended to be”. Ibig sabihin ay dapat pasado sa US FDA at European standards bilang isang N99 face mask.

Pangalawang condition, dapat raw ay maibigay ito sa kanya bago magtapos ang taong 2020. Basically, dapat ay nahahawakan na ng customer sa December 31, 2020.

Hindi natin sigurado kung gusto talagang gamitin ito ng cliyente sa streets o ilalagay lamang sa isang box para pang-display. Ganunpaman, itinakda ang deadline ng 2020 dahil siguro maraming bansa ang umaaasa na ang COVID-19 ay umpisa nang huhupa bago dumating ang sunod na taon.

Dapat rin daw na ang face mask ay pinakamahal sa buong mundo, ito ang pangatlong condition.

Bagaman sila ang gumawa ng pinakamahal na face mask sa buong mundo sa panahon ng COVID-19 crisis, naniniwala pa rin si Levy na nararapat sa pangkalahatan na regular face mask pa rin ang gamitin.

“Personally, I would not walk with a mask like this. I think that we all should wear the same regular N95 mask. Money maybe doesn’t buy everything, but if it can buy a very expensive mask and the guy wants to wear it and walk around and get the attention, he should be happy with that,” pahayag ni Levy.

Ganunpaman, ang pagpapagawa sa kanila ng multimillion dollar na face mask ay nagbigay ng sapat na salapi na kailangan ng kanilang mga empleyado sa panahon na marami ang nawawalan ng trabaho.

“I am happy that this mask gave us enough work for our employees to be able to provide them jobs in very challenging time like these right now,” dagdag pa ni Levy.

Ano ang masasabi mo dito?

loading...