hamon ni trillanes agaran akong pipirma ng waiver

Trillanes, binara agad si PDu30 sa alegasyong bank accounts sa abroad. Pagpirma sa bank waiver nakahanda na!

Hindi pa man nakakapresenta ng ebidenisya ang Pangulo ng mga umano’y bank accounts ni Senator Antonio Trillanes IV sa iba’t-ibang bansa ay naunahan na agad ito ng Senador sa pagsasabing handa siyang mag-sign ng bank waiver.

Inakusahan ni Pangulong Duterte si Trillanes na mayroon umano itong mga bank accounts o joint bank accounts sa isang Chinese individual na hindi niya pinangalanan.

“Hindi totoo yan. Fake news yan. Sinungaling yan si Duterte,” pahayag ng Senador.

Ayon sa Presidente ay magpapakita siya ng mga ebidensiya ng bank accounts ni Trillanes sa ibang bansa. Ngunti bago pa man nagawa ng Pangulo ay sinagot na agad ni Trillanes na handa siyang pumirma ng bank waiver upang maimbestigahan ng maayos kung anumang ipapakita ng Pangulo.

“Hinahamon ko sya na ilabas nya ung detalye at agaran ako pipirma ng waiver para malaman ang katotohanan,” sagot ng Senador sa Pangulo.

Maaalalang panahon pa ng May 2016 elections ng hamunin ni Trillanes na mag-sign ng waiver si Pangulong Duterte upang mabuksan ang umano’y bilyones na pera nito sa mga local banks sa Pilipinas. Marami na rin ang nagdududa sa sincerity ni Pangulong Duterte matapos talikuran niya ang hamon ni Trillanes na mag-sign ng bank waiver.

Lumabas ang hamon ni Trillanes kay Duterte dahil sa pagpo-portray ng Pangulo na umano’y mahirap lamang ang kanyang pamilya.

Kamakailan ay hinamon rin ni Trillanes na mag-sign ng bank waiver ang anak ng Pangulo na si Paolo Duterte at ang son-in-law nito na si Mans Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sarah Duterte. May ipinakita rin kasi si Trillanes na bank accounts nila Mans Carpio at Paolo Duterte na naglalaman ng milyones na salapi na maaari umanong galing sa pera ng smuggling o droga.

Kung gaaano kabilis ang willingness ni Trillanes na mag-sign ng bank waiver ay kabaligtaran naman nito ang reaction sa panig nila Pangulong Duterte, Paolo Duterte, at Mans Carpio.

Hanggang ngayon walang pumipirma ng bank waiver sa tatlong indibidwal na nabanggit.

You may also like...

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *