Trillanes, mas lalung hinahangaan dahil sa tapang at paninindigan para sa bayan!

Mainit ang word war sa pagitan nina Pangulong Rody Duterte at Senador Sonny Trillanes IV kaugnay ng pagkakasanggot ng anak ng Pangulo na si Paolo “Pulong” Duterte sa P6.4 bilyong shabu scandal sa Bureau of Customs (BOC).

Sa pamamagitan ng text messages na ipinakita ng testigo sa Senate hearing na si Mark Taguba ay hindi maitatago ng mga patas mag-analisa na posibleng si Pulong ang mastermind sa sinasabing “Davao Group”. Ang Davao Group ang itinuturong “malakas na pwersa” sa BOC kung kaya’t nakakapuslit ang mga kwestionableng kargamento sa Customs.

Umaabot sa P1 milyon kada linggo ang ibinibigay umano ni Mark Taguba sa Davao Group upang makapasok ng walang sagabal ang mga containers na hawak nito. Ang P6.4 bilyong halaga ng mga shabu ay dito dumaan sa pagitan ng mga pakikipag-transaction ni Taguba at ng Davao Group. Pinauna nang sinabi ni Taguba na hindi niya alam na may shabu na kasama sa loob ng hinihinalaang container.

Ang dati-rati na maingay sa social media sa iba’t-ibang issues, ngayon ay mas pinili ni Paolo Duterte na manahimik sa issueng kinasasakungtan. Sinigundahan naman ito ng kanyang ama. Hinimok ng Pangulong Duterte na umatend sa Senate hearing si Pulong ngunit uupo lamang at hindi magsasalita, isang bagay na hindi nagustuhan ng marami kabilang na rito si Karen Davila. Kung wala umanong ginagawang mali ay bakit takot harapin sa Senado ang mga paratang sa kanya?

“So you might as well invoke the right to silence. When a person invokes a constitutional right, you cannot infer anything from them. Perfectly alright, and you cannot force a person [to answer],” depensa ng Pangulo sa anak.

Pumantig rin sa tenga ng mga netizens ang pag-kubli ng Pangulo para sa kanyang anak sa paggamit ng constitutional rights. Naalala kasi nila ang libo-libong pinatay sa drug war ng Pangulo na hindi man lamang nakatikim o nabigyan ng pagkakataon na gamitin ang kanilang “constitutional rights”.

Halos pinagtulungan rin si Trillanes sa Senado ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte. Ngunit hindi ito hadlang sa nasabing Senador upang makamit ang katotohan sa puno’t dulo ng drug smuggling sa bansa. Dahil dito ay mas lalung hinahangaan ngayon si Trillanes dahil sa kanyang tapang at paninindigan na makita ang katotohanan maging sino pa man ang kanyang kakaharapin.

Malinis rin ang background ni Trillanes laban sa corruption kung kaya’t walang maibatong alegasyon laban sa kanya at maging dahilan upang siya ay ipakulong.

“Itinaya po nung mama military career niya. How can he be wrong and mistaken? He was right all along about arroyo? Lalaking lalaki po siya sa paninindigan laban sa kurapsyon at pagsasamantala sa bayan.”

trillanes hinangaan

Hinihikayat naman ng ilan si Pangulong Duterte na once-and-for-all ay patunayang mali si Trillanes sa pamamagitan ng pagbubukas ng bank accounts ng Pangulo.

“Prove him wrong once amd for all, allow BPi to show transaction history of your bank accounts.. Ask your son to face senate inquiry…”

“So ikaw nanaman ang tama?? Tama ba na Galit na galit ka sa Sachet at tahimik lang sa 6.4 Million Worth of Shabu?? Drama lang ba ang war on drugs mo? Para matakpan ang totoo, na ikaw at pamilya mo ang bigtime na drug Lord dito sa bansa…. Kaya pala love na love mo ang china??”

” s mga inakusahan dati ni trillanes like gloria at binay lumabas dn n may katotohanan ang akusa nya hom much more sa anak ni dutae..eh 2012 na sangkot na yan sa carnapping syndicate ha ha..at dyn nag mula ang galit ng matandang yan kay aquino at roxas..s isang family talaga hindi nanawala ang black sheep”

“If we don’t have a senator like Trillanes there would be no check and balance for the people, everything will be just check and go just what happened at the BOC were the P6.4 billions of shabu passed through. They only checked the corrupt players and then let the container go”

You may also like...

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *