Trust & satisfaction rating ni PDu30 umarangkada bago magtapos ang 2019!

178 Shares

Mataas pa rin ang tiwala ng mga Filipino kay Pangulong Duterte sa pagtatapos ng taong 2019.

Magpa-Luzon, Visayas, o Mindanao ay masaya at satisfied ang mga Filipino sa pamumuno ni Pangulong Duterte.

Maging sa National Capital Region (NCR), bagaman bumaba ng dalwang puntos 80% noong September at ngayong December ay 78% lamang, ngunit ito ay mataas pa rin kumpara sa ibang opisyal.

Sa kabuuan ay umabot ng 83% ang naitalang trust rating ng Pangulo. Mataas ito ng walong puntos kumpara noong September. Kay VP Leni Robredo ay pumalo lamang ng 58%, pinakamababa ito sa lahat ng mga public officials na naisama sa survey.

Ang nasabing datos ay hango sa December 3 to 8 na survey na ginawa ng Pulse Asia. Tinawag itong Ulat ng Bayan at ginanap sa kasagsagan ng paglalaro at paghakot ng mga gintong medalya ng mga atletang Pinoy sa 30th SEA Games.

Sa Luzon ay nakuha ng Pangulo ang pinakamataas na pag-arangkada ng kanyang trust rating. Umakyat ito ng 14 puntos sa rating na 83% kumpara noong September na pumalo lamang ng 69%.

Anim na puntos naman ang naitalang pagdagdag sa Mindanao area. Tumala ito ng 98% para sa December kumpara sa 92% noong September.

Sa Visayas ay 93% ang naitala, o siyam na puntos na pagtaas mula sa 84%.

Click to grab yours now!

Ayon sa Malacañang, ang pagtaas ng rating ng Pangulo ay dahil na rin sa successful na pagdaos ng 30th SEA Games, ang paglaban ng gobyerno sa ilegal na droga, Build Build Build programs, at socio-economic reforms.

“Despite the relentless attacks and criticisms from the opposition and critics, we will continue to strive to provide better services to all the Filipinos, for us to achieve overall development and success,” ayon kay Palace Communications Secretary Martin Andanar .

“We will continue to undertake necessary government programs, reforms, and actions in support of our goals as we aim for a better Philippines.” dagdag pa niya.

Ikaw, kabayan, mataas rin ba ang tiwala mo sa pamumuno ni Pangulong Duterte?

Ano masasabi mo dito?

loading...