pilipinas-rocks-trx duterte abscbn

TRX: Davao Group ni Duterte intresado sa ABS-CBN para manatili sa kapangyarihan sa gobyerno

7.5K Shares

Ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV ay mababaw na dahilan ang hindi pagpapalabas umano ng ABS-CBN ng political ads ni Pangulong Duterte noong 2016 election para maipasa ang ABS-CBN.

May mas malalim pa raw na hinahangad si Pangulong Duterte laban sa giant media network.

Isa sa dahilan kaya ginigipit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN ay para mabili ito ng Davao Group at maging kasangkapan sa pagpapanatili sa kapangyarihan ang grupo ni P. Duterte, ito ay ayon kay Trillanes sa pamamagitan ng isang video mula sa kanyang bagong Youtube channel.

Pilit umanong ginagawan ng paraan ni Pangulong Duterte na mawala sa ere ang ABS-CBN upang bumagsak ang presyo nito sa stock market at sa ganun ay mabibili ng Davao Group.

Ginamit ni Trillanes ang mga salita mismo ni Pangulong Duterte sa isang speech na hinihimok nitong ibenta na ng mga may-ari ng ABS-CBN ang kanilang kumpanya dahil hindi raw ito makakaasang mare-renew ang prangkisa.

Ayon sa DOJ Sec. Guevarra ay sa Mayo 4, 2020 mag-e-expire ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Itong ABS… mag-expire ang contract nyo, mag-renew kayo aywan ko lang kung anong mangyari. Kung ako pa sa’yo pagbili na ninyo yan”, saad ng Pangulong Duterte sa isang speech.

Ayon pa kay Trillanes ay nag-offer na daw ang Davao Group sa mga Lopezes para bilhin ang nasabing giant media network.

Kaya raw interesado ang Davao Group sa ABS-CBN dahil malaking tulong ito para sa pagpapatuloy sa kapangyarihan ng Davao Group sa Pilipinas.

Gagamitin raw ng Davao Group ang ABS-CBN upang mapanatili sa pwesto sa gobyerno.

Kapag hawak na ng Davao Group ang ABS-CBN ay wala na raw magre-report ng mga negatibong balita laban kay Duterte. Magagamit rin daw ang mga artista ng network para sa pagkampanya ng mga kandidatong pabor kay Duterte. Magiging kasangkapan rin ang media network upang sirain ang mga kalaban sa election.

Kung sakaling maging totoo man ito, pabor ka bang mapasakamay ng Davao Group ang giant network na ABS-CBN?

Ano masasabi mo dito?

Comments