pilipinas-rocks-visa-free-taiwan

Tuloy-tuloy ang visa-free ng Taiwan para sa mga Pinoys hanggang 2020!

Ipinahayag ng gobyerno ng Republic of China (Taiwan) noong July 2 na ang pagbibigay ng visa-free sa mga Filipinos ay magpapatuloy hanggang July 31, 2020.

Ito ay upang mas mapalago pa ang relasyon ng Taiwan at Pilipinas lalu na sa turismo, trade, investment, education, agriculture, fisheries, healthcare at iba pa.

Mula ng i-implement ang nasabing visa-free program noong November 1, 2017 ay lumaki ang bilang ng mga pinoys na bumisita sa Taiwan noong 2018. Umabot ng 419,000 na mga Filipinos ang nag-avail ng program, pumalo ito ng 44% na increase ayon sa official records.

Mas pinadali pa ito ng ilang mga airlines dahil direktang makakalipad ang mga pinoys mula sa iba’t-ibang gateways ng bansa tulad ng Manila, Puerto Princesa, Clark, Cebu at Kalibo patungo sa Taiwan. Dahil dito ay mas nakakatipid ng oras at pera ang mga biyaherong pinoys patungo ng Taiwan.

Hindi na kailangan pang mag-apply at magbayad ng visa ang mga pinoys pagpasok ng Taiwan hanggang sa 14 araw. Narito ang mga hinihinging requirements:

  • Dapat ay at least 6 months of validity ang passport upon arrival sa airport o seaport ng Taiwan.
  • Dapat ay may confirmed return ticket at valid visa sa sunod na destinasyon paglabas ng Taiwan
  • May maayos na criminal record na verified ng Taiwan immigration officer.

Ang 14-day visa-free ay hindi maaaring i-extend.

Na-visit mo na ba ang Taiwan? SHARE to us your experiences gamit ang comment sa ibaba!

Source: roc-taiwan.org

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page