UPDATE: May nahanap na siyang kabit para sa kanyang mister

thai wife hires mistress

UPDATE: May nanalo na! este may na-hire na siya at sarado na ang opportunities sa iba para maging kabit ng kanyang asawang lalake.

Narito ang context at istorya sa balitang ito: Thai wife naghahanap ng 3 kabit para sa asawa, 15k baht ang sweldo kada buwan

Ilang oras lamang matapos ang kanyang pag-post sa Tiktok na “Hiring mistresses for my husband” ay marami ang nag-contact kay Patheema na nagsasabing intresado sila sa nasabing position.

Ganunpaman, minabuti ni Patheema na kausapin ang kanyang “close friend” na nasa Phetchabun province ng Thailand para sa position at maging bahagi ng kanilang pamilya.

Bagaman tatlong mistresses ang hinahanap niya na initially ay inanunsyo niya sa social media, sapat na raw ang nag-iisang “beautiful” na kanyang napili kaya sinaraduhan na niya ang paghahanap ng iba pang aplikante sa nasabing kakaibang position.

Sinamahan ni Patheema ang kanyang napili para makilala at makausap ang kanyang asawang lalake. Bagaman hindi ito ang ini-expect, pumayag na rin ang lalake at bukas kamay na tinanaggap ang kanyang magiging “little wife”.

Siya, si Patheema, at ang “little wife” ay sama-samang lalabas, kakain, at aalagaan ang bawat isa, ayon sa asawang lalake.

0 Shares

Ano masasabi mo dito?