pilipinas-rocks-us govt de lima ressa

US gov’t, hindi itataya ang reputasyon para lang kampihan sina Sen. De Lima at Maria Ressa. May pinaninindigan sila!

113 Shares

Nabigyan raw ng maling information ang gobyerno ng Estado Unidos kaya ginagamit nito ang Magnitzy Act laban sa mga gumigipit kay Senador De Lima at Rappler CEO Maria Ressa sa hanay ng mga opisyales ng gobyernong Pilipinas.

Dilawan na raw ang Estados Unidos. Nabayaran raw ang gobyerno ng U.S.

Huwag po tayong masyadong tangahin. Napakalaki ng bansang Estados Unidos, napakayaman nito, at may pinoprotektahan itong image. Hindi ito basta na lang kakampi sa iilan at maliliit na tao at ipagpapalit ang reputasyon nito.

May mas malalim na dahilan kaya ginamit ng Estados Unidos ang Magnitzky Act upang matanggalan ng sungay ang mga naghahari-harian at ginagamit ang pwesto at kapangyarihan upang pahirapan ang mga kalaban sa pulitika.

Naniniwala ang U.S. sa tamang proseso at demokrasya. Ito ang isa sa mga foundations kung bakit natamo ng U.S. ang kanilang status sa mundo ngayon sa kabila ng bagong bansa pa lamang sila kumpara sa mga empires na matagal nang nag-eexist sa mundo.

Hindi sila tanga na hindi makita ang panggigipit kay Senator De Lima at Maria Ressa.

May mga intelligence sila. Alam nila ang mga nangyayari.

Ang ginawang ito ng gobyerno ng Estados Unidos sa mga gumigipit kay Senator De Lima gamit ang kanilang kapangyarihan sa gobyerno ay nagbibigay sa atin ng mensahe na may mali sa ginagawa ng gobyerno, at iyan obvious naman.

Kapag tayo ay nagbigay ng reasoning na tulad sa mga nabanggit sa itaas na kesyo ‘dilawan ang U.S.’ ay nagpapakita lamang ito ng katangahan natin. Marahil ay tama ang resulta ng research na marami sa ating mga Pilipino ang hirap umintindi.

Marahil ay sa dahilang pinaiiral natin ang emosyon at pagiging kulto sa halip na gamitin ng tama ang utak.

loading...