pilipinas-rocks-vice ganda your words are degrading real women

“Vice Ganda, your words degrade us, not Senator Sotto” sagot ng tunay na babae laban sa comedian

Marami ang hindi natuwa at sumang-ayon sa puna ni Vice Ganda sa statement ni Senate President Tito Sotto patungkol sa pagiging babae.

Ayon kay Senator Sotto, makokonsidera mo na ang isang tao ay babae kapag meron itong obaryo na may kapasidad na manganak. Ang lalake na nais maging babae ay hindi mangyayari kahit anong gawin nito dahil wala itong matris na nagbibigay kapasidad sa isang babae na magkaanak.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights,” pahayag ni Senator Sotto sa patuloy na pagdinig ng Senado patungkol sa SOGIE bill na isinusulong sa kamara.

Pamimilosopo ni Vice Ganda

Dito nag-comment si Vice Ganda na may pagkapilosopo. Nais iparating ni Vice Ganda na ang mga tao na may obaryo dati at tinanggalan ay hindi na daw pwedeng tawaging babae kung statement ni Senator Sotto umano ang pagbabasehan.

Hon. Senate President Tito Sotto ??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak? E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE?“, ayon sa mahabang sagot ni Vice Ganda gamit ang kanyang Instagram account.

Malinaw na pamimilosopo lamang ang puna ni Vice Ganda kaya hindi ito ikinatuwa ng marami.

Narito ang patuloy na comment ni Vice Ganda:

O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila? Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE. Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE.”

Sa huli ay tila may pasaring si Vice Ganda sa Senate President:

Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”

Mga wala sa statements ni Sen. Sotto

Wala sa statement ni Senator Sotto na ang nawalan ng obaryo, ang hindi manganak o o pinayuhan na hwag magka-anak o piniling ayaw magkaanak ay hindi na pwedeng tawaging babae.

Simple at malinaw ang pahayag ng Senador: na kung babae ka ay dapat biologically ay may ovary, hindi issue kung pinatanggal, ayaw gamitin o ayaw ipagamit, isang bagay na hindi matatanggap ni Vice Ganda dahil malabo itong mangyari sa kanya.

Screencopy ng comment ni Salz Gonzaga kay Vice Ganda

Tunay na babae, ipinagtanggol si Sen. Sotto

Isa si Salvz Gonzaga na sumagot kay Vice Ganda. Bilang tunay na babae ay hindi umano siya nayuyurakan ng statement ni Senator Sotto.

Bagkus nagpapasalamat siya dahil may isang lalake (Sen. Sotto) na ipinaglalaban ang kanilang karapatan na dapat sana ay ipinaglalaban din ng isang babae (Hontiveros).

Dear Vice Ganda, I am born a female, and never did I feel that Sen. Sotto “trampled” as you term it my being a true female. Do not project to us what you feel. It’s not believable. The truth of the matter is, we felt understood, we felt that finally, someone is defending our rights that should have been fought by a female (that is Hontiveros)”, ayon sa post ni Salvz sa kanyang Facebook account.

“Choose your words wisely”

Dagdag pa ni Salvz na mismong si Vice Ganda ang nagde-degrade sa dignidad ng mga kababaihan dahil sa mga binibitawan nitong salita.

Stop all this drama. Stop projecting. Choose your words wisely. “Bumukaka and umere” are in fact words that degrade us. Your words are actually the ones degrading us.”

Ano masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page