pilipinas-rocks-artwork ng estudyante imbis mukha ng politiko

Vico Sotto: Imbis na mukha o pangalan ng politiko, artwork na lang ng mga estudyante ilagay

46 Shares

“Very refreshing!” Ito ang reaction ni Pasig Mayor Vico Sotto ng makita niya ang artworks ng mga estudyante mula sa Rizal High School.

Naging special guest si Mayor Vico sa art festival ng Rizal High School at kanilang ibinida ang mga artworks na gawa ng kanilang mga estudyante na may titulong “Arts and Design Mural Paintings”.

Hindi maitago ni Mayor Vico ang kanyang appreciation sa husay at ganda ng mga artworks na kanyang nakita.

“Ang sarap tingnan na imbis na mukha ng pulitiko, artwork ng mga kabataan ang nakikita natin.”

Nais niyang mas marami pang makakita ng mga gawa ng estudyante at dito niya iminungkahi na mas maganda raw na sa halip na mga mukha o pangalan ng mga politiko ang ilagay sa mga dingding ay palitan na lang ito ng mga artworks ng mga estudyante.

Natuwa naman ang marami sa mungkahing ito.

Patuloy na kusang lumalabas sa adhikain ni Mayor Vico ang lumayo sa traditional na pagiging politiko.

Tuwing nagkakaroon ng anumang magagandang lumalabas sa publiko mula sa kanyang nasasakupan ay hindi niya ginagamit ang pagkakataon upang itaas ang sarili kundi ibinabalik niya ang credits sa totoong naghirap para sa mga proyekto; sa pagkakataong ito ay ang mga estudyante at guro mula sa Rizal High School ang kanyang ibinida.

Bilang patuloy na suporta sa larangan ng sining ay nais ni Mayor Vico na paigtingin pa ng gobyerno ang ibinibigay na suporta sa mga kabataang mahuhusay sa arts.

“Dapat bigyan ng pamahalaan ng karagdagang suporta ang mga estudyante na mahusay sa larangan ng sining.”

Iginiit rin ni Mayor Vico na ang local government ng Pasig ay maglulunsad ng pilot program simula buwan ng Hunyo para sa Arts and Design scholars sa ilalim ng Pasig City Scholarship Program.

Pabor ba kayo na sa halip na mukha o pangalan ng mga politiko ang makikita sa mga pader o dingding ay mga magagandang paintings na lamang ng mga estudyante?

loading...