pilipinas-rocks-covid-19 testing sa pilipinas

Vietnam mas lamang pa sa COVID-19 testings kesa sa Pilipinas

100 Shares

Hindi ito katanggap-tangap!

Halos 60 days na ang lumipas ngunit kakaunti pa lamang ang dumadaan sa COVID-19 testing sa buong Pilipinas.

Ayon na mismo sa datos ng Department of Health (DOH), meron lamang 200 patients kada araw ang nate-test sa COVID-19. Pumalo ito ng 3,113 lamang as of March 28.

Naunahan pa tayo ng Vietnam na halos pumangalawa na sa Singapore sa bilang ng mga na-test na sa COVID-19!

Ang Vietnam ay may mas mababang GDP per capita (2017) kumpara sa Pilipinas. Ibig sabihin nito ay may mas kakayanan tayong makabili ng COVID-19 test kits. Ngunit nasan ang pera?

Narito ang pahayag ni Pangulong Duterte noong February 10, 2020: “We have the money, I can assure you.”

Ngunit matapos ang ang lampas isang buwan ay nganga pa rin tayo.

Kung sasabihing nagkakaubusan na kasi ng test kits eh bakit ang Vietnam at ibang mga karatig bansa ay may nabili para sa kanila? Patunay lamang ito na wala talagang “thinking ahead” na nangyayari at kulang na kulang sa pagkilos.

Tama ang pahayag ni Atom Araullo, hindi problema ang resources o pambili. Ang problema ay ang kakulangan sa pagplano at pag-execute ng plano na naaayon sa tamang panahon.

Mabuti na lamang at kumikilos ang mga mamamayan. Kabi-kabila ang volunteer at donations mula sa iba’t-ibang sectors.

loading...