pilipinas-rocks-vp leni handang magsakripisyo war on drugs

VP Leni, handang isakripisyo ang sarili upang panagutin ang mga abusado at iligtas ang mga inosente sa war on drugs ni P. Duterte

129 Shares

Sa hindi inaasahang takbo ng mga kaganapan sa pulitika ay ginulat ni Vice President Leni Robredo ang karamihan ng natanggapin nito ang alok ni Pangulong Duterte na maging co-chair sa paglaban sa illegal drugs.

Bagaman alam ni VP Leni na pwedeng patibong lamang ang alok ng Pangulo ngunit alang-alang sa bayan ay tinanggap niya ito.

“Maraming nagpayo na dapat kong tanggihan ang alok dahil pagpasa lang ito sa akin ng responsibilidad para sa mga kabiguan ng drug war. Maraming nagsasabi na naghahanap lang ng damay ang administrasyong ito”, pahayag ng Pangalawang Pangulo.

At kahit na taliwas ito sa payo ng mga taong nagmamahal sa kanya at mga kaalyado niya sa pulitika ay mas sinunod ni VP Leni ang kanyang budhi.

Handa umano siyang isakripisyo ang sarili kung ang kapalit nito ay pagtigil ng mga patayan lalu na ng mga inosenteng mga Pilipino.

Handa rin siyang isakripisyo ang career sa pulitika kung ang kapalit nito ay panagutin ang mga abusadong opisyal kasama na ang ninja cops at nagpalusot ng tonetoneladang shabu na galing sa China.

“At kahit sabihin na nating ang alok na ito ay pamumulitika lang, at hindi naman talaga ako susundin ng mga ahensya, at gagawin nila ang lahat para hindi ako magtagumpay, handa akong tiisin ang lahat ng ito. Dahil kung meron akong maililigtas na kahit isang inosenteng buhay, ang sinasabi ng prinsipyo at puso ko ay kailangan kong subukan”, dagdag ni VP Leni

Magiging boses si VP Leni ng pamilya ng mga pinaslang ng walang kasalanan sa war on drugs ng Pangulong Duterte, dahil dito ay umaasang tuluyang mabibigyan ng hustisya ang mga biktima.

Hamon sa Presidente

Seryoso ring hinamon ni VP Leni ang Pangulong Duterte sa natitira nitong dalawa at kalahating taon sa panunungkulan na makipagtulungan upang labanan ang illegal drugs.

“Mr. President, dalawa’t kalahating taon na lang ang naiiwan sa iyong administrasyon. Hindi pa huli ang lahat.

Puwede pa nating pagtulungan ito.”

Ano ang masasabi mo dito?

Your Story

May kwento ka ba o interesting news na nakita na nais mong maibahagi sa maraming Filipinos saan mang sulok ng mundo?

Email it to us: mystory@pilipinas.rocks

or Send to our Facebook page