pilipinas-rocks-sara duterte pa relevant nega2

“Wag puro nega. Pa-relevant ka pa eh! Gusto mo pang pag-awayin ang mga Tagalog at Bisaya”- netizens to Sara Duterte

111 Shares

Narito ang post ng anak ni Pangulong Duterte na si Sara Duterte patungkol sa paggamit ng ‘Manila’ song habang winawagayway ang bandila ng Pilipinas noong Sabado ng gabi, opening ceremony ng 30th SEA Games.

“Di po ba Philippine flag ang dala? Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po natin gawin excuse ang upbeat danceable song. Kami nagimbento ng budots. Kaloko man oie. We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer. Yes, nega ako, bakit? I am a Filipino but I don’t have one drop of Tagalog blood in me. Pure Vismin by birth and Ilocos by marriage. #bastabisayahila add na natin German American for the glam.”

Nagkaisa na sana

Marami ang hindi natuwa sa post na ito. Okay na sana ang presentation ng opening ceremony at marami ang talagang namangha maging kritiko o kaalyado man ng kasalukuyang administrasyon.

Ang mga kritiko at pumuna ng lantarang overpricing ng “kaldero” at iba pang blunders related sa SEA Games 2019 ay taas noo ring ipinagmalaki ang magagawa ng mga Filipinos na totoong maipagmamayabang sa buong mundo.

Para sa kanila ay ang pagiging tunay na citizen ng bansa ay nangngahulugan ng pagbibigay ng credit sa nararapat, pagpupugay sa mga gumagawa ng tama, kasama rin dito ang pagpupuna ng mga mali at corrupt upang maituwid at huwag haayaang maabuso ang bayan.

Sa opening ng SEA Games ay nagkakaisa ang marami sa pagbibigay pugay sa nagawa ng mga participants at event organizers. Dahil dito ay hindi maganda sa panlasa na magkakaroon ng negative comments mula pa mismo sa anak ng Pangulo.

“Pa-relevant ka ha”

Tingin tuloy ng marami ay nagagamit ang magandang resulta ng SEA Games opening ceremony para mapag-usapan lang.

“for a mayor, masyado kang pa-relevant ha”, comment ni Loraine Elec sa post ni Sara Duterte.

“Manila is the Capital of the Philippines. And seeing the President yesterday during the opening, he’s very happy and proud and enjoying! Some senators are dancing. So what’s the problem???”, ayon naman kay Ging Potpot.

Para naman kay Gaudencio Serrano ay mas maigi siguro kung gumawa na lamang si Sara Duterte ng sarili niyang kanta.

“Edi magcreate ka ng Song I’m coming back to Davao”

Pinag-aaway ang mga Filipino?

Marami rin ang nakapuna sa tila pagbibigay ng division o paggatong ni Sara Duterte sa pagkakakabahabahagi ng mga Filipinos sa pagitan ng pagiging Tagalog o Bisaya.

“but I don’t have one drop of Tagalog blood in me” ayon kay Sara Duterte na tila baga isang negatibong bagay ang magkaroon ng lahing Tagalog sa isang Pilipino.

Ipinagmalaki pa niya ang kanyang pagiging Vismin (Bisaya-Mindanaoan), Ilocano, German, at American.

“Pure Vismin by birth and Ilocos by marriage. #bastabisayahila add na natin German American for the glam” dagdag ni Sara sa kanyang post.

Hindi napalipas ni Allona Vosotros ang kanyang napuna sa post ni Sara Duterte, isang bagay na hindi raw maganda lalu’t anak pa ng Presidente.

“I don’t know if you’ve heard of the term synecdoche. A part used to represent the whole. That’s what the song ‘Manila’ is. Given it’s country’s capital. I don’t know about you but I think Sara Duterte is pushing for division/rivalry between the Tagalogs and Bisayas which is not very pleasant thing to do”, ayon kay Allona Vosotros.

Pauuwiin sa Mindanao para mabawasan ang tao sa Maynila

Naalala tuloy ni Yunail ang isa sa mga dahilan kung bakit overcrowded daw ang kaMaynilaan at iminungkahi na pauwiin na lamang ang mga taga-Mindanao na naninirahan sa kaMaynilaan upang mabawasaan ang dami ng tao dito.

“Kingina babae to masyado ambisyoso eh kung pauwiin nyu kaya mga taga mindanao sa lugar nyu at jan nalang magtrabaho luluwag pa dito sa maynila puro ka batikos mismong probinsya mo nga,nga naman!”, saad ni Yunail Sausora.

Ang ganitong reaction ni Yunail ay nagpapakita lamang ng pagkainis sa paggatong ni Sara Duterte ng division among Filipinos.

Isa sa political platform ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangako noong election campaign ay ang pagkakaroon ng federal states ng bansang Pilipinas.

Natuwa pa nga kami

Ayon naman kay Ogie Rosa, noong isayaw ang mga regional pieces tulad ng Ginum dance mula sa Bagobo, Pattong dance mula sa Kalinga, at Sagayan dance mula sa Maguindanao, at Sayaw sa Kasingkil na mula naman sa Maranao ay hindi naman na-offend ang mga taga-Manila kundi natuwa pa silang makita ang mayamang kultura ng Pilipinas.

Ano ang masasabi mo dito?