doj-walang-nakitang-iregulardad-sa-bank-accounts

Walang irregularidad sa bank accounts nila Dayan at Sanchez, inamin ni DOJ Sec Aguirre

Walang nakitang irregular deposit sa mga bank accounts nila Joenel Sanchez at Ronnie Dayan, ito ang pag-amin mismo ng Department of Justice Secretary na si Vitallano Aguirre ayon sa ulat ng TV Patrol.

Nauna nang sinabi ni DOJ Sec. Aguirre na hindi lamang P24 million ang mga perang nalakap ni Senador De Lima gamit ang pera mula sa illegal na droga kundi ito raw ay aabot ng P88 million, at maari pang maging bilyones.

“Siyempre kung ako si De Lima eh mag-oopen ako [ng bank account], pero hindi sa pangalan ko,” paliwanag ni DOJ Sec. Aguirre kung bakit wala silang nakitang iregularidad sa mga nasabing bank accounts.

Matatandaang si Ronnie Dayan at Joenel Sanchez ay dating mga drivers ni ex-Justice Secretary na ngayon ay Senator Leila De Lima.

Si Dayan ang itinuturo ni Herbert Colanggo, high profile inmate sa NBP, na bagman umano ni De Lima sa mga perang nalakap umano mula sa illegal na kalakaran ng droga sa National Bilibid Prison.

Iba naman ang version ni Jayvee Sebastian, isa ring itinuturing na drug lord sa NBP, at ang itinuturong bagman ay si Joenel Sanchez.

Abala ang DOJ Secretary sa paghagilap ng mga ebidensiya at testimonya upang idiin si Senator De Lima sa umano ay fund raising para sa kandidatura ng nasabing senadora gamit ang pera galing sa illegal na droga.

(Read: No air-tight case yet against De Lima despite numerous witnesses and evidences)

Ang mababang kapulungan sa Kongreso ay nagsagawa rin ng hearing noong mga nakaraang linggo kaugnay sa nasabing kalakaran ng illegal na droga sa loob mismo ng NBP. Maraming testimonya mula sa mga witnesses at resource persons ang lumabas at nagpapatotoo ng anomalya sa NBP. Karamihan ay idinadawit ang senadora sa issue.

Ngunit matapos ang pagdinig ay walang inihaing recommendation ang nasabing House committee para tugisin ang senadora sa korte. Sa panahon ng pagdinig ay inamin mismo ni DOJ Secretary Aguirre na wala pang air-tight case laban kay Senator De Lima.

Ang Ombudsman ay nagpahayag rin ng negatibong reaksyon kung kakasuhan nga nila si De Lima. Ayon kay Ombudsman Conchita-Carpio Morales ang lahat ng naririnig at nakikita ngayon laban kay De Lima ay pawang akusasyon lamang at wala pang matibay na basehan para hainan ng kaso si De Lima.

You may also like...

Loading...

2 Responses

  1. lindy says:

    All drama and sarzuela in the House probe with convicted criminals as witnesses boils down to nothing..Wasting time and taxpayers money just to pin down de Lima is all but propaganda just to please their Lord Digong? If this is the kind of politicians who are doing nothing for the country but to conduct hearings in aid of legislation daw then our country is going down to the dogs. CAN WE ENDURE THIS KIND OF ADMINISTRATION FOR 6 YEARS?

  2. Belinda Magtangob says:

    And he said his witnessess are credible!what credibility do convicted drug lords have? Sec. aguirre are really a lawyer?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *