Watch: Ivana Alawi ipinakita ang kanyang…

7 Shares

Hindi mapigilang paghanga ang inabot ni Ivana Alawi mula sa mga manonood ng kanyang “A Day In My Life” na amateur video na posted sa kanyang Youtube channel.

Ipinakita ni Ivana ang kanyang routine sa isang araw kung wala siyang commitments o lakad sa labas. Very relaxing ang mood ng video at masaya niyang ibinahagi kung ano ang mga ginagawa niya kapag siya ay nasa bahay lamang.

Inuna ni Ivana na ipakita ang kanyang ginagawa paggising na paggising sa umaga. Mala-HRM style umano ang paraan ng kanyang pag-aayos ng bed.

Ayon kay Ivana ay hindi niya ugaling magdamit kapag nasa bahay lamang. Ngunit dahil sa hindi raw pwede iyon sa video ay nararapat na magsuot siya bilang pantakip sa kanyang katawan.

Bagaman may washing machine at dryer ay mas pinili ni Ivana na ipakita kung paano siya maglaba ng mano-mano. Nasisira raw ang mga tela kapag idinaan sa dryer kaya mas okay sa kanya ang maglaba ng gamit ang kamay lamang.

Mula sa paglalaba ay isinunod na ipinakita ni Ivana ang kanilang kusina kung saan kasama niya ang kanyang kapatid at ina na naghahanda ng almusal.

Nagdemo rin si Ivana kung paano siya magluto ng adobong manok. Tulad sa obserbasyon ng marami, sang-ayon rin si Ivana na ang sikreto sa adobong manok na lasang pinoy ay Datu Puti na toyo at suka.

Natapos ang video ng sama-sama nilang pinagsaluhan ang adobong manok. Marami rin ang nakapansin kung gaano ang pagiging “down-to-earth” ng pamilya ni Ivana dahilan upang marami ang nakaka-relate sa kanyang mga videos maging mayaman o mahirap man.

Si Ivana ay naging bahagi ng “Sino Ang May Sala? Mea Culpa?” na katatapos lamang noong Agosto. Na-interview rin siya sa programa ni Boy Abunda na “Tonight with Boy Abunda” bago ipalabas ang finale ng “Sino Ang May Sala?”.

Naging trending rin ang issue kung saan sinagot ni Ivana ang isang viral image na sinasabing pwede raw siyang i-book bilang escort sa halagang Php 4.7 million sa loob ng dalawang oras.

“Hubadera ako sa social media yes, but I have my limits. I earn my own money the right way. Byeee,” sagot ni Ivana sa isyung nabanggit.

Video: Ivana Alawi Youtube channel