Watch: World-class stadium, Olympic standard aquatic center under ng Build Build Build tapos na!

12.9K Shares

Matagumpay na naitayo ang kauna-unahang world class stadium sa Pilipinas na kasya ang 20,000 manonood bago magbukas ang Southeast Asian Games sa November 30, 2019.

Isa ito sa mga major projects sa ilalim ng Build, Build, Build Program ni Pangulong Duterte.

Noong buwan ng July ay panay mga construction facilities pa lamang ang makikita sa nasabing lugar, ngunit ngayon ay isa na itong ganap na world-class sports center.

Ang sports center ay bahagi ng malaking kalupaan sa Capaz, Tarlac na kung tawagin ay New Clark City. Mahigit kalahati ito ng Metro Manila kung land area ang pag-uusapan.

Ang New Clark City ay isa sa pinaka-ambisyosong programa ni Pangulong Duterte para sa mga manlalaro Pilipino at sa mga dayuhang makikilahok sa mga paligsahan sa Pilipinas, local o international competition man.

World-class equipments

Tapos na ang Phase 1 ng plano at maaari na itong gamitin sa darating na SEA Games 2019. Kabilang dito ang sports stadium na kayang tumanggap ng halos 20,000 na mga spectators. Ang aquatic center naman na kasya ang halos 2,000 tao ay tapos na rin at ibibida nito ang mga laman na mas maganda pa umano sa ibang mayayaman na bansa.

“Yung quality, yung equipment, yung design lahat yan talagang sinunod na natin yung mga world-class na standards na nakikita natin sa mas mayayamang bansa”, pahayag ni Sec. Vince Dizon, BCDA President and CEO.

“Kayang-kaya. Ready tayo in terms of parking, facilities. Ready tayo in terms of security”, dagdag ni Dizon.

Ang mga makikitang kagamitan sa nasabing projects ay hango rin sa Olympic standard.

“Lahat ng equipment natin ay certified equipments. So yung mga equipment na pinapayagan ng IEF na gamitin sa certified facilities. Yung track natin ay galing itong Australia “, ayon kay Engr. Patrick Nicolas David, Presidente ng MPD Clark.

Mala-hotel na Athletes Village

Ang Athletes’ Village ay hindi rin magpapahuli. Nasa loob rin ito ng New Clark City at kumpleto ng mga kagamitan at pangangailangan ng mga manlalaro para sa kanilang trainings at iba pa.

Mala-hotel ang mga kwarto, airconditioned, at malinis. Ayon sa mga manlalarong Pinoy na lalahok sa SEA Games ay malaki raw ang pagkakaiba ngayon kumpara noong panahon ng mga nakaraang administrasyon.

“Kumpleto sa mga gamit, Katulad nito gym may oval tayo, may swimming pool, may basketball court”, masayang pahayag ni Emmanuel Comendador, miyembro ng Duathlon ng national team.

Dati ay kung saan-saan pumupunta para mag-training

“Dati kasi kung saan-saan kami pumupunta para mag-training. Katulad ng national team pupunta pa kami ng ibang bansa para mag-training. Ngayon mas komportable kami dito”, dagdag ni Comendador.

Ayon kay Comendador ay sagot ng gobyerno ang kanilang gastos sa training kaya malaki ang kanilang pagpapasalamat kay Pangulong Duterte.

Click to grab yours now!

Pagkatapos ng SEA Games

Pagkatapos ng SEA Games ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-develop ng lugar.

Susunod na ipapagawa ang football stadium, cycling track, indoor basketball, badminton, at volleyball courts. Kasama rin sa gagawin ang gymnastics, boxing, weightlifting, martial arts facilities.

Ang New Clark City ay magiging sports training hub ng mga national athletes.

Pagtulong sa decongestion sa Maynila

Isa sa advantage ng New Clark City ay hahatakin nito ang maraming services mula sa Maynila dahil sa sunod-sunod na programa ng iba pang sector ng lipunan sa nasabing lugar.

Ililipat ng Central bank ang pag-print ng pera sa nasabing lugar mula sa East-Avenue, Quezon City. Ang Supreme Court ay magtatayo rin ng judicial academy. Industrial park naman ang pinaplano ng Filinvest na itayo sa New Clark City.

Inaasahan rin na magkakaroon ng mga condominium at malls malapit sa lugar. Sa madaling salita ay tutulong ang New Clar City project upang ma-decongest ang ka-Maynila-an.

Mapapanood sa video sa ibaba ang kasalukuyang laman ng New Clark City ayon sa ulat ni Erwin Tulfo.

Maaari mong i-share ang magandang balitang ito upang mas marami pa ang makaalam ng magagandang programa ng gobyerno.