pilipinas-rocks-stay positive bato dela rosa covid

Kakaiba ang well-wishes para kay “Sarap ng buhay” Sen. Bato ng magka-COVID

112 Shares

Ito na ang pangalawang pagbabalita patungkol sa pagkakaroon ni Senator ‘Bato’ Dela Rosa ng coronavirus, o mas kilala sa COVID-19.

Noong November 21, 2020 ay naging busy ang mga netizens sa pag-comment at pag-share ng balitang pagkakaroon ng COVID-19 ng nasabing senador. Matapos ang dalawang linggo ay naibalitang muli ang senador sa mainstream media at kinumpirmang nasa hospital pa rin ang senador at “getting better” na raw.

“Nasa hospital pa po si Sen [Dela Rosa] pero improving na daw po ang pakiramdam niya,” ayon sa staff ni Dela Rosa na ibinahagi sa mga reporters sa pamamagitan ng text messaging.

“Nagka-fever po siya together with the cough and cold, kaya po they went to the doctor na by Nov. 23 midnight to be sure po about the monitoring,” dagdag ng mensahe mula sa staff ng senador.

Anytime daw ay maaari nang ma-discharge si Dela Rosa dahil bumubuti na raw ang sitwasyon nito.

“Stay positive” at “Sarap ng buhay”

Sa dalawang pagkakataong naibalita ang pagkakaroon ng COVID-19 ni Dela Rosa ay kapansin-pansing tila natuwa pa ang maraming netizens. Ito marahil ang kanilang ‘pagganti’ sa mga actions at binitawang salita ng senador na hindi nagustuhan ng marami.

“We stand with Covid 19 in this trying times.” – John Ivy

“Keep it positive. Stay positive at all time! ” – Yeliab Ellah

“Sana gumaling agad! Kasi pera ng madlang pipol ang pambayad nyan sa hosp bills!” – Fara Sambitan De Leon

“Parang pumayat na po kayo senator… sarap ng buhay sana lagi ganyan ” – Jay Macaraeg Cabrera

“Stay positive lang po senator #SarapNgBuhay” – Bismark Norva

Ano masasabi mo dito?

loading...