nasan na ang tapang mo mr president

From “I will kill him” to “I will resign” to “provide affidavit” hanggang sa “be silent”. Nasaan na ang tapang mo, Mr. President?

Habang patuloy na nadadawit ang pangalan ni Davao Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte sa P6.4 bilyong shabu scandal sa Bureau of Customs (BOC) ay tila nagbabago ang tono ng pananalita ni Pangulong Duterte sa issue na kung may kinalaman ang alin man sa kanyang anak sa illegal na droga.

Matatandaan noon na sinabi ng Pangulo na kung sakaling nagda-drugs o involved ang alinman sa kanyang mga anak ay papatayin niya ito, isang bagay na ikinatuwa ng kanyang mga supporters dahil nagpapakita umano ito ng sincerity ng Pangulo na labanan ang illegal na droga sa bansa.

“None (of my children are into illegal drugs). But my order is, even if it is a member of my family, ‘kill him’”.

Ang nasabing pananalita ay binitawan ni Pangulong Duterte noong panahon ng pangangampanya.

Matapos ang isang taon ay nadawit na nga ang kanyang anak na si Paolo Duterte sa isa sa pinakamalaking shabu scandal ng bansa. Sa pamamagitan ng texts messages na pinakita ni Mark Taguba sa Senate hearing na pinangungunahan ni Senator Dick Gordon ay nagpapakita ito ng posibilidad na si Paolo Duterte ang nasa likod o mastermind ng Davao Group. Ang Davao Group ang sinasabing malakas na pwersa sa BOC upang mabilis na makapasok ang anumang kargamento sa halagang P10,000 kada container. Tinatayang 100 containers ang walang hassle na nakakalusot sa Customs kada linggo, dahil dito ay umaabot ng P1 milyong kada linggo ang naibibigay umano sa Davao Group. Ang container na naglalaman ng shabu galing sa China ay nakapasok sa bansa sa ilalim ng kalakarang ito.

Narito naman ang pahayag ng Pangulong Duterte sa pagkakadawit ni Paolo sa P6.4 bilyong shabu scandal:

“If my son was really into it or is in there, all you have to do is to produce the paper… Just give me an affidavit and I will step down as President of this republic. That is my commitment to you now. That is my word.”

Ang dati-rating “kill my son” ay naging “I will resign” at “provide an affidavit”.

Matagal ng may affidavit laban kay Paolo Duterte

Ang pangalan ni Paolo Duterte ay una nang naidawit sa ilegal na droga at smuggling sa BOC noong lumabas si Edgar Matobato at bumaliktad si Arturo Lascañas laban sa Pangulo. Si Matobato at Lascañas ay pawang self-confessed na miyembro ng Davao Death Squad na tumatanggap umano ng orders mula kay Duterte noong mayor pa ito sa Davao City. Ang pagkakadawit ng pangalan ni Paolo Duterte ay kasama sa affidavits na pinirmahan under oath ni Lascañas at Matobato.

Dahil diyan ay matagal nang may affidavit laban kay Paolo Duterte, ngunit hanggang ngayon ay hindi natutupad ang sinabi ni Pangulong Duterte na “Just give me an affidavit and I will step down as President”.

Noon ay “kill my son!” kung dawit sa droga, ngayon ay “invoke your right to be silent”

Sa kinasasangkutang issue ay tahimik si Paolo Duterte sa kabila ng maingay ito dati-rati sa social media. Ang kanyang pananahimik ay sinegundahan ng kanyang ama.

“So you might as well invoke the right to silence. When a person invokes a constitutional right, you cannot infer anything from them. Perfectly alright, and you cannot force a person [to answer].”

Habang nadadawit ang pangalan ng kanyang anak at lumalabas ang mga leads na posibleng magturo sa akusasyon kay Paolo Duterte ay unti-unting lumalabas ang totoong saloobin ng Pangulo. Mula sa “kill him!” ay napunta ito sa “I will resign” hanggang sa “provide an affidavit” na matagal ng mayroon, at ngayon ay “invoke your right to be silent”.

Halos wala itong pinagkaiba sa “I will stop drugs in 3-6 months!” at iba pang mga pangungusap ng Pangulo na sumablay at kinailangan ng interpretasyon ng mga tagapagtanggol niya sa Malacañang.

You may also like...

Loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *